Send As SMS

Friday, May 05, 2006

 
kwentong elementary
ilat elementary school. dyan ako nag-elementary. isa syang public school. malapit lang ang paaralan na ito sa bahay namin. mga sampung minuto mo lang lalakarin, or limang minuto kung tatakbuhin mo. from grade 1 to grade 6, dyan ako nag-aral. dyan ako natutong bumasa, sumulat at magbilang. iba't ibang guro din ang mga nakasalamuha ko dyan. alalahanin ko nga sila.

yung teacher ko sa grade 1, si mrs. magsino, dakilang terror ng mga estudyante, nanlilisik ang mata kapag nagagalit, at ang galing magpadipa sa klase. namamalo din ito ng stick. malakas ang boses. as in, nakakatakot kapag nagsasalita na sya at galit. gusto ko nang umuwi. hehe. sya yung teacher ko nang makipagsaksakan ako ng lapis. hehe.

teacher ko sa grade 2, si mrs. marquez. may katandaan na sya nung maging teacher ko. isa sa pinakaayaw kong teacher. matanda na kasi. dahil sa kanya, natutunan ko na may mga taong unfair. at isa sya sa mga iyon. bakit ko nasabi? ginawa nya lang namang nag-iisang honor student yung pamangkin nya. na obvious naman na talagang kalokohan lang, imagine, from grade 1 to grade 6, sa kanya lang nakasama sa honor roll yung pamangkin nya. hehehe.

grade 3, guro ko naman si mrs. mirano. ang teacher ko namang ito, mabait. mahina ang boses. ang naaalala ko pa, meron silang poultry house sa bahay nila, kaya everyday, nagtitinda sya ng itlog na nilabon sa amin. hehehe.

grade 4, si miss arguelles ang guro namin. sya din ang guro ko nung kinder ako. isa rin sya sa mga terror na teacher nung mga panahong yun. magaling mamalo, magaling magpadipa. nanlilisik din ang mga mata kapag nagagalit. sya na ngayon ang principal sa ilat elementary school. minsan nga ay nakasuno ko pa sa dyip at natuwa ako dahil kilala nya pa ako. hehehe. hanggang ngayon, miss pa rin sya. bakit kaya? baka hinihintay ako. hehehe.

grade 5, marami nang teacher, pero ang adviser namin dito, si mrs. cantos. mabait din sya, malumanay magsalita. natatandaan ko, sya yung nagtuturo sa amin ng lumindol ng malakas, july 16 earthquake. oo, grade 5 ako noon. tanda ko, takot na takot sya. nung matapos ang lindol, sabi nya, magdasal daw kami.

grade 6, mrs. manalo ang adviser namin. mabait din sya at malumanay magsalita. buntis sya ng panahong nagtuturo sya sa amin. nanganak na kaya sya? hehehe.

notable teachers din nung grade 5 at grade 6 ako, si mrs. ebora. ang terror na music teacher. teacher din sya ng filipino subjects, kung saan galit na galit sya sa mga estudyanteng pangit ang handwriting. yung formal theme na isinasubmit sa kanya, kapag pangit ang sulat, talagang eekesan nya ng malaki, pulang pula pa. naninigaw ng estudyante.

hindi ko rin makakalimutang teacher si mrs. balmes. teacher ko naman sya sa math. mabait din sya. buntis din sya nung panahong nagtuturo sya sa amin, at nakunan sya during our class dahil sa sama ng loob sa isa kong kaklase. basta, may ipinagawa sya sa blackboard, pero kung ano-anong drawing lang yung ginawa ng kaklase ko, hayun, nainis, sumama ang loob, etc. basta, nalaman na lang namin, nakunan na sya.

yan ang mga guro na humubog sa aking paglaki. sa kanila ako natutong magbasa, sumulat, magkwenta at kung ano ano pa.

masaya din naman nung elementary. kailangan, maaga ka sa enrollment dahil pagkatapos nyong magpalista, mamimigay na ng mga aklat. syempre, public school, swerte mo kapag medyo bago pa yung makuha mong aklat. kung luma na, pasensya ka. lahat nung aklat na ginamit nyo, isinosoli after the end of the year, syempre, para sa mga darating pang henerasyon, sila naman ang gagamit.

during that time, lagi akong nakapantalon kung pumasok. hindi ako nagsoshorts. habulin kasi ako ng lamok. hehehe. so, hindi talaga ako pinagsusuot ng shorts ng mother ko, dahil siguradong tadtad ng kagat ng lamok ang hita at binti ko kapag nagshorts ako.

noong mga panahon ding iyon, nagkaroon din ng minor accident sa school, aside from that saksakan ng lapis. nagasgasan din ang binti ko, isang mahabang gasgas ng barbed wire. basta, ganun, dinala pa ako sa hospital.

grade 5 ata ako noon nang minsang makipagsuntukan din ako sa kaklase kong pasaway. tanda ko pa yun, naggagardening kami. makulit eh, di ko matandaan kung anong kakulitan. basta, nairita ako, e di sinuntok ko sa mukha. nagkasuntukan na. hehehe. napatawag din ang inay dahil dun. hehe. minsan kasi, masarap din ang feeling na masuntok ang taong kinaiiritahan mo. mula noon, di na sya nangulit sa akin. hehehe.

tama na. medyo ang dami ko na namang naipost ngayon. byernes na, sa monday na ulit ang sunod na post.

happy weekend!
 
 
blogging personality quiz
I took the blogging personality quiz here. At ito ang resulta, ako raw ay...
The Writer
Words captivate me. And, I like to capture words. Blogging enables me to write often. It also provides a place for me to share what I write with a reading public. I can be funny, inspiring, intelligent, cynical, or morbid. It doesn't matter what I write about in my blog. It only matters that I write.
totoo ba ito? ewan ko. hehehe. siguro.

yun lang!
 
 
rivermaya on mtv asia awards
nabasa ko lang sa balita... rivermaya will perform on mtv asia awards 2006. sa siam paragon, bangkok daw gaganapin. kelan? bukas na. May 6. see full story here.

naalala ko tuloy ang awit ng friend kong si allan na nasa singapore na ngayon. ang mga linyang ito ng liwanag sa dilim:
Isigaw mo sa hangin, Tumindig at magsilbing...
ay pinalitan nya ng...
Isabaw mo sa kanin, ang ihi ng kambing!
kantahin mo, ang gandang pakinggan. hahaha! isabaw mo sa kanin, ang ihi ng kambing!

yun lang!
 
 
no pants day

nakita ko lang sa ym status ng friend ko, at niresearch ko, totoo nga, today is NO PANTS DAY! hehehe. see details here.

yun lang!
 
 
microsoft marketing strategy


nakuha ko lang ang picture na ito sa encyclopedia ng mga walang magawa.

yun lang!
 
 
random rants
wala kang kwenta! bakit? may ipinakwenta ka ba?

ang galing talaga ng mga driver ng dyip, parang bisikleta lang ang drive nila kung magsisingit sa daan. akala mo, sila ang hari ng kalsada.

magagaling din ang driver ng bus, lalo na doon sa edsa. kaya nga kung maaaring iwasan ang edsa, hindi talaga ako dumaraan doon. nagsasaligwayan sa kaliwa't kanan, minsan, nagkakarera pa, akala mo, walang sakay na mga pasahero. tsk tsk.

kanina, nang papasok ako, narinig ko sa fx, iniinterview ni ted failon si manny pacquiao over the phone. kaso, hindi ko naintindihan yung kanilang pinag-usapan, naglalakbay ang isip ko dahil late na ako eh. hehehe.

huli man daw at magaling, huli pa rin. ayaw ko talaga nang nalelate, sumasama ang araw ko at nababadtrip ako.

kagaya ngayon, ewan ko, parang may nakapatong na mabigat na bato sa ulo ko. ang bigat.

byernes na ulit. at malamang, mamayang gabi, or bukas ng umaga, uuwi na ulit ako sa batangas.

malapit na ulit akong bumalik sa hong kong. by that time, mag-uumpisa na ang aking trabaho. siguradong tambak na ito. sa wakas, ma-eexercise na rin kahit papaano ang aking mga brain cells. hehehe.

nagkaroon ng bagong tema ang magpakailanman sa channel 7. kung dati, in order for you to succeed, mag-artista ka, ngayon, may nadagdag. kung gusto mong maahon sa kahirapan, sumali ka sa laban o bawi! pweh!

yun lang!
 

Thursday, May 04, 2006

 
table manners
buti pa ang baboy sa canada, may table manners. kasi, sabi nung isang principal ng school doon, filipinos eat like a pig. see story here. ibig sabihin pala, yung mga baboy nila doon, gumagamit ng kutsara at tinidor kapag kumakain? buti pa yung baboy nila, may respeto sa pagkain.

this is how i see it. kasi naman, wala pa naman akong filipinong nakita kumain na parang baboy, yung isinusungalngal ang nguso nila doon sa pagkain. so, if they think filipinos eat like a pig, ibang klase yung baboy nila, of a higher quality, may table manners, at naka spoon and fork kapag kumakain. sana, matuto sila, lalo na yung principal na yun sa mga baboy nila, buti pa yung baboy nila, may manners. hahahaha!

they did not degrade us. they simply upgrade their pigs with a much higher quality than them. tama ga english ko?

yun lang!
 
 
bisyo na to!
while on my way papasok dito sa office sakay ng fx byaheng divisoria, narinig ko na naman ang tambalang balasubas at balahura sa love radio 90.7. matagal ko na rin silang napapakinggan mula nang magtrabaho ako sa maynila. halos lahat ng taxi at fx na nasasakyan ko, yun ang pinapakinggan. kung hindi love radio ang maririnig mo, mostly, mga matatandang taxi driver na nakikinig ng AM station ang mapapakinggan mo. hehehe. meaning, ganoon talaga kasikat ang FM station na ito dito sa manila. puro kasi kabaliwan ng mga dj at kalokohang jokes ang maririnig mo, kung papasok kang masama ang gising, gaganda ang araw mo kapag narinig mo ang mga kalokohan nila. either masyado kang ipokrito or hindi ka nakakaintindi ng tagalog kung hindi ka makakarelate sa mga kalokohan nila. hehehe.

anyway, bakit ba ako nagpost ng tungkol sa love radio dito? kasi, kanina, ibrinodcast nila yung official website nilang dalawa. at for the first time, nakita ko ang mukha sa likod ng mga boses nilang nakakatulig sa umaga. hahaha! ito na po ang website nila. in fairness, maganda pala si nicole. hehehe.

kailangan pa bang imemorize yan? bisyo na to!!!


yun lang!
 
 
kukoteklawn


wala akong masabi!

yun lang!
 
 
living with a vilmanian
naisipan kong isulat ang paksang ito dahil sa nalaman ko na kaya raw d lucky ones ang title nung movie nina sandara, dahil vilmanian's yung parents nila sa movie at lucky yung ipinangalan sa kanila.

my mother is a vilmanian. oo, isa syang dakilang tagahanga ni vilma santos. and how is it living with a vilmanian mother? simple lang. ganito lang yun. hindi ako makapanood ng x-men at ng kung ano pang magandang palabas sa channel 2 kapag friday night dahil automatic na yun, from 7:00PM to 9:00PM, ang inay ang may-ari ng tv dahil kailangan nyang manood ng vilma sa channel 7. every friday night, nangangapit bahay pa kami para makapanood ng cartoons, hehehe. hindi lang kapag friday, kapag may tv guesting si vilma, kanya pa rin yung tv, walang makakaagaw ng remote control. hehehe.

hindi naman sya ganun kabaliw kay vilma, everytime lang na may makikita syang magazine na si vilma ang cover, binibili nya gaano man ang presyo. syempre, nanonood rin sya ng movie ni vilma. halos lahat ng pelikula ni vilma, hindi nya pinalampas. si val, si val na walang malay, lagi na lang si val! i remember, ang una kong pasok sa sinehan ay nung maliit pa ako, isinama nila ako at vilma movie rin yung pinanood nila, kung hindi ako nagkakamali, sinasamba kita yung pinanood nila.

nung ikasal si vilma kay ralph recto sa lipa, wag ka, at present ang inay kasama ang kanyang mga kapwa vilmanian doon sa barangay namin. as in, ang aga nilang umalis ng bahay papunta doon sa lipa makita lang nila ang kasal ng kanilang idol. balita ko nga, nakadiaper pa yung iba sa kasama nya, kasi nga daw, siksikan, mahirap magpunta sa cr kapag naiihi kaya nagdiaper na lang yung iba. ewan ko kung nagdiaper din ang mother ko. hehehe.

at nung kumandidato si vilma as mayor ng lipa, kahit hindi kami taga lipa, may nakadisplay na election paraphernalia ni vilma doon sa aming bahay. hehehe. binigyan kasi sya ng tiya kong nakatira sa lipa na vilmanian rin.

nagmeet na ba sila ng personal? oo naman, at may picture pa sya. kelan nangyari yun? nung election, nagpunta si vilma sa office ng INC doon sa batangas city para humingi ng tulong sa kanyang candidacy. hayun, nung malaman ng inay na pupunta doon sa vilma (may nagbulong sa kanya), nagpunta sya at hindi nga sya nabigo. nakausap nya, nakamayan at nakasama sa picture ang kanyang idol.

ewan ko ba kung anong nakita nya kay vilma at talagang idol na idol nya ito.sabagay, if i have to choose nung mga panahong iyon between vilma and nora, si vilma rin pipiliin ko, hehehe. buti na nga lang at hindi lucky ang pangalan ko ngayon.

yun lang!
 

Wednesday, May 03, 2006

 
kapag ako nagmahal...
text message collection ulit. salamat sa mga nagsend!
1. ang love, parang yosi, kahit alam mong magkakasakit ka, sige pa rin sa paghithit. Laging sinasabi na titigilan na pero kapag andyan na, hindi na mapigilan, at madalas, kapag napasobra, nahihirapan ka ng huminga.

2. Praying unlocks the door of heaven and releases the power of God. His answers are always right, true and best!

3. little prayers for little things fly heavenwards on little wings, and for all prayers great or small, God is there to hear them all.

4. i count my days by sunrises, not sunsets; my life by smiles, not by tears; and when life is at its twilight, i will count my age by friends not by years. Good morning!

5. promdi with bellboy carrying his bag to room, Promdi: huwag mo akong lokohin dahil promdi ako. bakit ang liit ng kwarto ko at walang kama't bintana? Bellboy: sir, elevator po ito. =)

6.beggar: boss, palimos po! boss: iinom ka o magsusugal? beggar: wala po akong bisyo. boss: ok, sama ka sa akin para malaman ng nanay ko ang nangyayari sa taong walang bisyo. =)

7. "work is the greatest thing in the world, so i always save of it for tomorrow." - juan tamad.

8. frequent sex makes people smart and intelligent. orgasm stimulates and rejuvenates brain cells. no wonder you are almost a genius!

9. misis: bibiruin ko ang mister ko. magpapanggap akong prosti dito sa kanto namin. dumaan ang mister nya. misis: hi pogi! available ako ngayon, pwede ka ba? mister: ayoko sa 'yo! kamukha mo ang misis ko! =)

10.kapag ako nagmahal.... pucha! ano ako? Gasolina??
yun lang!
 
 
pbb season 2 audition sked
ipinapatalastas na ito sa tv, pero sa internet, kahit sa website nila, hindi ko makita yung schedule, kaya sabi ko sa kapatid ko, ilista nya lahat at may pagbibigyan lang ako (hindi nya kasi alam na blogger ako, hehehe). so, heto na ang listahan ng audition schedule ng pinoy big brother season 2. kailangan daw, 20 to 35 years old, pasok na pasok ako, hehehe. sasali ba ako? ewan ko, bahala na si batman, kapag nakita nyo ako sa tv, e di sumali ako, kung wala dun, e di hindi. hehehe. pag-iisipan ko pa, ang payo kasi sa akin ni inay nung magpunta ako sa manila, pasukin mo nang lahat ng trabaho, wag lang yang pag-aartista. so, bahala na. hehehe.
May 8, 2006
Cagayan de Oro
Venue: SM Activity Center Atrium
Time: 9:00AM to 3:00PM

May 12, 2006
Cebu
Venue: Sm Cinema 2
Time: 9:00AM to 3:00PM

May 15, 2006
Bacolod
Venue: Robinson’s Place
Time: 9:00AM to 3:00PM

May 16, 2006
Iloilo
Venue: Robinson’s Place
Time: 9:00AM to 3:00PM

June 17, 18, 23 & 24
Manila
(venue to be announced)
Time: 9:00AM to 3:00PM

Bring the Following:
Biodata
Authentic Birth Certificate
Close-up picture
Full-body picture
yun lang!
 
 
mission difficult ni pacquiao sa airport
may 3, palabas na ang mission impossible 3. ang pelikulang nakakaloko ang title, mission impossible daw, pero mission accomplished pa rin naman sya sa katapusan, so, mission possible pa rin. hehehe. dapat, mission difficult lang. di ba? di ga? hehehe. pero panonoorin ko pa rin yan, siguro, next week, pagdating ng sweldo.

kung nanonood kayo ng tv, mapapansin nyo na kapag commercial break, si manny pacquiao na ang bida. hehehe. di ba? halos pinakyaw na lahat ng commercial, all around, may binibili pa kaya sya? ang brief nya, no fear. ang medyas nya, darlington. t-shirt, no fear. meryenda nya, mcdo, or pwede ring nestle ice-cream. minsan, nag-uulam din sya ng dolly tuna. tapos, kapag sumakit ang katawan, iinom ng alaxan. kung gustong mag-inom, san miguel beer naman. minsan, nalilito na ako, si jang geum ba ang bida sa jewel in the palace, o si pacquiao? parang mas maraming beses ko pang makita ang mukha nya kesa kay jang geum eh.

natawa ako sa balitang ito. pinaalis lang yung sapatos sa airport, pati pantalon nya, inalis. hehehe. ano kaya at gawin ko rin yun one of these days kapag nagpunta ako sa hong kong? hahaha. erase, erase. bad idea. crazy idea. di pa naman ako ganun kabaliw.

yun lang!
 
 
siya at ako na naman
nakaipon na naman ako ng kakaibang usapan nitong mga nagdaang araw. as usual, yung ako ay ako, yung siya, iba't ibang taong nakausap ko.
siya: huwag tayong magtaxi dyan. tatagain tayo ng driver.
ako: naku, ayaw ko pa ngang mamatay.

siya: bakit naman ganito dito. iisa ang pool? (swimming pool tinutukoy nya)
ako: meron pang dalawa doon sa taas. pool table.

siya: huwag tayong oorder sa kenny rogers. ako kasi dati, ala una nang pumila, alas dos na nakakain.
ako: hayan, tamang tama, mag-aalas dos na, pwede na tayong umorder.

siya: (nakita kaming nagpupusoy-dos) anong nilalaro nyo?
ako: baraha
siya: akala ko kasi nagmamahjong kayo, labo na kasi ng mata ko.

siya: marunong kang tumingin ng isda? (ang tinutukoy nya, kung marunong akong tumingin kung sariwa yung isda)
ako: oo naman. kapag nakita ko ang isda, alam kong isda yun. hehehe.

siya: huwag po kayong lalapit sa kabayo at naninipa yan.
ako: (sa isip lang) puro paa lang naman talaga yung kabayo, alangan namang manuntok yan. syempre, puro sipa lang yan.

siya: dito daw sa caliraya, sa alas dose ng gabi, namamatay na lang lahat ng ilaw.
ako: talaga? lahat ng ilaw? mamatay kaya ang ilaw sa cellphone ko?

siya: paalis lang ako. may pupuntahan lang.
ako: lahat naman ng tao, may pupuntahan kapag umaalis.

siya: natutulog ba ang isda?
ako: hindi yata. wala pa kasi akong nakitang bedroom ng isda.

siya: ano ang nauna, itlog o manok?
ako: hindi ko alam. sa buong buhay ko kasi, wala pa akong nakitang itlog at manok na nagkarera.
yun lang!
 

Tuesday, May 02, 2006

 
caliraya
kwento mode muna ako. it's a common pattern na naman dito sa blog na ito, kapag may nangyaring kakaiba, kapag may napuntahang bago, kapag may mga bagong karanasan, mababasa nyo dito. so, umpisahan ko na. syempre, this post will be all about caliraya. medyo mahaba ang post na ito, pina-igsi ko pa nga iyan, kaso, talagang mahaba pa rin eh. anyway, yung isang nobela nga, nababasa nyo ng isang upuan, ito pa kaya? hehehe. ok, umpisahan ko na.

alas sais ng umaga ang tagpuan namin dito sa office. nakaalis kami at exactly 6:30AM, dalawang sasakyan ang ginamit namin, anim kaming magkakasama sa sasakyan ng boss namin at apat naman doon sa kabila. hindi kami convoy, ang usapan, magkita-kita na lang tayo sa finals. hehehe. ang aga naming umalis, pero inabot pa rin kami ng heavy traffic sa slex. siguro, mga isang kilometro pa ang layo doon sa tollgate, traffic na, and worst, after passing the tollgate, heavy traffic pa rin, usad pagong hanggang doon sa calamba exit.

wala pang nakarating sa amin sa caliraya, sinunod lang namin ang direction na nakasulat dito. accurate naman yung instructions kaya hindi kami naligaw. mahaba yung byahe, 4 hours ata. so, sa byahe, wala kaming ginawa kundi magkwentuhan at magkulitan. nanood kami ng dvd, lilo and stitch ata yun, basta, ganun, hindi ko rin naman naintindihan. hehehe. habang byahe, nakikinig kami sa mga awitin sa iPod ng isa naming officemate. high tech yung iPod nya, may iTrip kung saan nakabroadcast sa FM station yung mga pinapatugtog nya, kaya naririnig din namin thru the FM station ng car stereo. astig, noon lang ako nakakita nun. hehehe.

sa daan, doon sa pansol, nagkalat ang mga taong may hawak na karatulang "private pool". ang dami nila. sa daan din, may mga taong nagtitinda ng hito. may nakita pa kaming karatula, "Live Tilapia" naisip ko, ano yun, banda ba yun? May concert ang Tilapia? Live? hehehe. sa Bay yata yung halos tabi-tabi, puro garden. nagtitinda ng mga halaman. paano kaya sila kumikita ganung ilang kilometro din sila na magkakatabi na iisa yung negosyo?

after a long drive ay nakarating din kami doon sa place. nagbangka pa kami, kasi, tatawid pa pala ng lawa para marating yung lugar. malapit lang naman yung tatawirin, kailangan nga lang sumakay ng bangka. i suggest, magpatayo na sila ng tulay doon, maigsi lang naman eh. wala pang isang kilometro, siguro, mga 200 meters lang yata yun. or mas maigsi pa.

pagdating doon, tumambay muna kami doon sa restaurant nila dahil check-in time pala ay 2:00PM pa. so, dun muna namin itinambak ang aming mga gamit sa isang sulok nung restaurant. kasama na rin sa binayaran namin yung lunch doon, kaya pagdating ng lunch time, doon na kami kumain. binigyan kami ng ticket katunayang bayad na kami sa lunch, ang itsura ng ticket, mukhang ticket sa sinehan. ang daming tao doon sa restaurant, as in. marami ay high school student. marami daw kasi ang nagreretreat doon. nung lunch time na, buffet yung style, so pumila na kami. ang daming pagkain. basta, kumuha lang ako ng tama para sa akin, at nagpakabusog. after maglunch, tumambay muna kami doon at gumala-gala. kwentuhan pa rin ng kung ano-ano. hindi pa rin kasi oras ng check-in.nagpalipas ng oras hanggang sa dumating ang alas dos.

alas dos, nagcheck-in na kami sa duplex-9. isa syang bahay na may hagdan. dalawa ang cr, isa sa taas, isa sa baba. pwede yung place sa 15 persons, kaya maluwag kami. yung mga babae sa taas, kaming mga lalake, sa baba. malinis naman, airconditioned. pagdating namin sa loob, kanya kanyang pwesto sa kama, at nagsitulog kaming mga lalake. yung mga kasama naming babae, nagvideoke sa taas. nakatulog din naman kami kahit papaano. hehehe.

around 4PM nang magkagisingan at magkayayaan nang magswimming doon sa nag-iisang swimming pool doon sa lugar. apat kaming lalake na nagswimming at yung tatlong babae na kasama namin ay nagvolleyball naman. yung isa naming kasamang lalake, di namin alam kung saan nagpunta, alam ko, gumala-gala syang mag-isa doon sa lugar. tapos, yung boss namin at si harbee, lumabas para magbeer-shopping. ok naman magswimming doon, may mababaw, may malalim. 11 feet ata yung pinakamalalim, ako, hanggang doon lang sa 4 feet? hindi kasi ako marunong lumangoy, pero marunong akong malunod. kaya doon na lang ako sa mababaw.

5:30PM, sabi nung life guard, magsasara daw ang swimming pool ng 6:00PM dahil dinner time na. umahon kami ng swimming pool at 5:45PM, balik sa bahay, nagbanlaw, nagbihis at nagpunta doon sa restaurant para magdinner. doon na ulit kami nagkita-kita ng mga kasama ko. dumating na ang mga nagbeer-shopping, dumating na ang mga nagvolleyball, nakasama na ulit namin ang isa naming kasamahan na gumalang mag-isa. hehehe. syempre, pagdating sa pagkain, nagkakasundo kami.

habang kumakain sila dahil tapos na ako, biglang nagbrown-out. tapos, syempre, may generator, pero medyo madilim pa rin doon sa table namin. sabi nung isa naming kasama, masama raw kumain kapag madilim. bakit? dahil may sasalo daw sa iyo. ganun? i'm the type of person na hindi naniniwala sa mga pamahiin eh. so, i find it weird. sa akin kasi, masamang kumain kapag madilim, kasi, baka iba ang maisubo mo, or sa iba mapasubo? hehehe. baka sa halip na sa bibig mo mapasubo, magshoot sa ilong? hehehe. after ilang minuto naman, nagliwanag na muli.

at nang matapos na kaming kumain, nag-akyatan kami doon sa nakita naming hagdan. mataas na lugar, may tv na may videoke, may mga table. tumambay lang muna kami doon at nagkwentuhan. ginisa ang aming paalis na accountant. hehehe. well, we just talked about our first impression sa kanya. kung ano-ano yun, kami-kami na lang ang nakakaalam. matapos nung usapan, nagpunta na kami sa bahay.

pagdating sa bahay, kanya-kanyang trip na. may nagvivideoke at may nagbabaraha habang umiinom ng san mig light at kumakain ng mga chichiria. high tech yung baraha namin, transparent. hehehe. andun ako sa mga nagbabaraha dahil wala naman akong talent sa pagkanta. may mga bago na naman akong natutunan sa baraha. though never pa akong nakapagsugal, i know how to play tong-its and pusoy dos. natutunan ko sa panonood lang. ngayon, may bago na naman akong nalaman. ano yun? natuto ako ng poker! oo, dun ko lang yun natutunan. friendly game lang naman kami, no money involved kaya nakilaro rin ako. bukod sa poker, may nilaro pa kaming bullshit daw ang pangalan na ang goal daw ay ubusin ang kamay sa iyong mga baraha (or ubusin ang baraha sa iyong mga kamay?). naglaro din kami ng walang kamatayang 123pass.

tapos, pagkatapos nun, nung ubos na ang beer at nagkasawaan na sa pagvivideoke at paglalaro ng baraha, lumabas kami ng bahay at gumala-gala. gabi na yun, mga nakainom na kaya ang kukulit na nila. ako lang yata ang hindi lasing, hehehehe. kahit naman hindi ako lasing, makulit ako eh. gala-gala sa labas, picture-picture. gusto pang magvolleyball pero hindi rin natuloy dahil madilim na nga. basta nagpaikot-ikot kami doon hanggang sa mapagod at maisipang maupo malapit doon sa isang kubo na malapit sa aming bahay.

tapos, kwentuhan ulit. ang usapan, paiiyakin daw namin ang aming paalis na accountant. at ang topic ng usapan... ano ang mamimiss mo kapag wala na sya? tsaka, ano naman ang mamimiss nya sa amin kapag umalis na sya? o di ba, topic pa lang, nakakaiyak na? hehehe. yung napag-usapan ay amin-amin na lang din. basta, tagumpay kami sa mission namin na paiyakin sya. hehehe.

after nun. balik na kami sa bahay, pero hindi pa rin kami natulog. may mga nagvideoke pa, may mga naglaro pa rin ng baraha. as usual, sa baraha pa rin ako. nang lumalalim na ang gabi, at nagsawa na kami sa paglalaro ng baraha, biglang naisip ng boss namin na manghula. hehehe. weird talaga, as in, i was amazed, lahat ng hula nya sa akin, totoo. tapos, itinuro nya sa amin kung paano yung method ng paghuhula at paano iniinterpret yung baraha. hayan, natuto rin akong manghula sa pamamagitan ng baraha. tapos, halos lahat nung mga officemate ko, hinulaan nya, syempre, nakikiinterpret na rin ako ng baraha. hehehe, kahit medyo magulo akong mag-interpret. pero totoo, as in, i was amazed talaga dahil tatlong beses akong nagpahula sa kanya at lahat nung sinabi nya, walang sumablay. coincidence? ewan ko.

matapos nung hulaan, saka pa lang nagkatulugan. around 3:00AM na yata yun.

alas sais ng umaga, ginigising na ako ng isa kong officemate, punta na kasi sila sa restaurant para magbreakfast. mas masarap matulog kesa kumain. so, sabi ko, sila na lang, di na ako magbebreakfast. at natulog nga ulit ako. nagising ako, 9:00AM na. nagswimming na daw ulit sila. ako, wala nang balak magswimming. nagshower na lang ako at inihanda ang aking gamit para sa pag-uwi. check-out time is 12:00PM kasi, so habang bakante pa yung cr at ang iba ay nagsiswimming pa, sinamantala ko na ang pagkakataon para ayusin ang aking sarili. by 10:00AM, ready na ako, nakaempake na lahat.

isa-isa na silang naligo at nag-aayos ng gamit. nagulat na lang kami, kasi, pagkatapos mga magbihis, apat kaming nakablue! as in, blue team kami. hehehe. tambay muna kami sa labas habang nagpeprepare na rin yung iba sa pag-alis. nagpusoy-dos kami habang nagpapalipas oras. tapos, syempre, picture-picture. nung ready na ang lahat, hindi kagad kami umalis. picture-picture pa ulit, kung ano anong pose, kung saan saan. medyo magagaling at high tech yung dalawang photographer na kasama namin. hehehe. basta, ang dami naming picture doon. hihingi na lang ako ng kopya sa kanila at maipost doon sa photoalbum ko.

nagcheck-out kami around 11:30 yata. tapos, diretso muna kami sa jolibee pagsanjan para magtanghalian. doon ko napansin na ang mayor pala ng pagsanjan ay si george estregan. ang laki kasi ng billboard doon sa harap ng jolibee. pagkatapos kumain, uwi na kami. same trip, sound trip using the ipod with itrip. mahaba-habang byahe pa rin. dumating kami sa manila around 3:30PM na yata, kung saan ako ay bumaba doon sa may magallanes, umuwi sa evangelista, inayos ang gamit, at nagdrive pauwi sa batangas. dumating ako sa batangas around 6:00PM at sinalubong ng aking mga pamangkin.

whew! ang haba! this post is especially dedicated sa mga officemate ko na hindi nakasama dito. hayan, para na rin kayong sumama. hehehe. yung mga picture, abangan nyo na lang kapag binigyan na nila ako ng kopya.

yun lang!

UPDATE: andito na ang mga pictures! click here. salamat kay milton and cyncha for the pictures. yun lang!
 

Friday, April 28, 2006

 
outing and accounting
byernes na naman, parang kailan lang ay lunes, byernes na ulit! hindi pa ako uuwi ng batangas. may outing nga kasi kami bukas. sa caliraya recreation center. sana, mag-enjoy ako dun, sana, kahit medyo sinisipon pa ako. medyo may kalayuan yung place, buti na lang at dalawang sasakyan na lang ang gagamitin, hindi na kasama ang kotse ko, hindi ako magdadrive, hehe. though, siguro, kung pagod na yung driver, pwede akong pumalit, walang problema. overnight kami, so, sunday na ang uwi namin, tapos nun, balik ako sa makati, tapos uwi na rin sa batangas. huh? parang magpapabalik-balik ako ah? ewan, bahala na. siguro, di na lang muna ako uuwi ng batangas, dalhin ko na lang sa laundry shop yung mga damit ko para may maisuot ako next week, hmm, bahala na.

ngayon pala ay last day na dito ng aming mahal na accountant. nagresign na sya, a career move for a brighter future. hehehe. mas maliwanag nga dun dahil disyerto, mas maliwanag ang sikat ng araw, mas bright ang future.. hehehe. talagang ganyan naman sa mundo, may dumarating, may umaalis.

now, let's talk about our accountant. gigisahin ko sya dito. hahahaha! itago na lang natin sya sa pangalang norin galang. kung maaalala nyo, sya yung unang nakatuklas ng blog na ito dito sa office, at mula noon, kumalat na sa lahat ng officemate ko. hehehe. she's one of the persons na madali kong nakaclose dito sa office, close nga ba? hehehe. di naman masyado, sa kanya lang ako nagtetext kapag absent ako, at isa rin sya sa mga nakasama ko sa aking munting negosyo. since sya ang accountant, except sa mga bossing, sya lang ang may alam kung magkano ang sweldo ko dito. hehehehe. ano pa ba? isa sya sa mga kasama ko nung valentine's day. sya yung nag-iisang nagcoconcert sa kanyang cubicle, kumakanta na akala nya ay hindi namin sya naririnig. sya yung every kinsenas at katapusan ay nagpapapirma ng payslip namin. sya yung ilang beses na rin naming nakasama sa gimikan, game sya, sa tatlong san mig light, lasing na sya. hahaha! ano pa ba? mahal na mahal sya ng mga empleyado dito, lalo na kapag umuuwi galing hong kong, espesyal yung mga chocolate para sa kanya. hehehe. ako lang yata ang hindi nagbigay ng espesyal na chocolate. malimit syang late sa pagpasok. hehehe. ano pa ba? wala na akong maisip.

well.. talagang aalis na sya, at kahit ilang months ko lang syang nakasama dito, naging bahagi na rin sya ng buhay ko kahit papaano. so ang masasabi ko lang... babay na! huwag mo kaming kalimutan kapag mayaman ka na!

yun lang!
 
 
txt msgs
mga text message na nareceive ko nitong mga nakaraang araw. wala lang, gusto ko lang ipost dito. sinipag magencode eh. salamat sa mga nagpapadala!
1. its amazing how strong we become when we begin to understand how weak we are. for it is in humility that we can see God's strength!

2. since my hands can't reach you, let my prayers hug you with God's love and blessings, guidance and good health not only today but always. God bless!

3. each day, our goal is to touch one's heart, encourage one's mind and inspire one's soul. may you continue to be blessed and be a blessing to others. Gud morning!

4. life is like having a cup of coffee. you sit by the window, lift the cup and take a sip only to realize that somebody forgot to put the sugar. too lazy to go for it, you somehow struggle thru that sugarless cup, till you discover undissolved sugar crystals sitting at the bottom. That's how life is, we sometimes forget to make an effort to value what is around us. Look around, maybe, the sweetness you are looking for is closer than you think. Start your day right, flash a smile, have your coffee. make it sweet.

5. may the lord watch over you today, let his hand protect you, his presence inspire you, his grace surround you and his power sustain you. Good morning!

6. why do we close our eyes when we dream? when we cry? when we wish? when we imagine? when we kiss? that is because the most beautiful things in life are unseen.

7. in the ocean of life, god is our bouyant force. no matter how strong the wind is and how gigantic the waves are, we will not sink because we are anchored to him.

8. falling in love with god is the greatest romance, searching him is the greatest adventure, finding him is the greatest achievement and being with him is the greatest joy of life!

9. for every 1 second, 79 stars explode, what are the odds, the chances, that our sun will be the next? life can be so short, so let me say, thank you for crossing my way!

10. friends are like buttons in an elevator, some take you up, others bring you down. i can't promise i can bring you on the rooftop, but i promise to bring you on the right floor.

11. like birds, let's leave behind what we don't need to carry... grudges, sadness, pain, fear and regrets. fly light! life is beautiful.

12. it's good to have money and the things money can buy, but it's good too, to check once in a while and make sure i haven't lost the things that money can't buy... pssst! are you there? =)

13. when you feel sad and alone, i'll be there to say, "tara! mamato tayo ng bahay!" =)

14. hope you woke up with good dreams, a body well rested and a mind aimed at peace and a heart full of happiness and love. have a wonderful day!

15. every morning, the lord blows us kisses of love, peace, kindness and understanding not only for us to have but for us to share. take care!



yun lang!
 
 
bagong post sa mansyon
bagong renovate ang aming mansyon, kaya nagbwena-mano akong magpost ng bago. hehehe. tungkol lang naman sa cellphone of the future yung bago kong post dun. see it here or here.

sa hindi nakakaalam, ang aming mansyon ay isang group blog, blog ng magaganda at nag-iisang gwapo. hahaha!

yun lang!
 

Thursday, April 27, 2006

 
sa central
absent ako ngayon. hindi ako pumasok dahil mukhang lumala pa yung sipon ko. so nagdecide na lang akong huwag munang pumasok para makapagpahinga, at nang hindi na kumalat ang virus sa office, baka kasi mahawa pa sila. ngayon, andito ako sa isang computer center sa metro manila. hehehe. medyo ok na ako, pero hindi na rin ako pumasok, isang absent na rin, gumala-gala na lang muna, nakakabato rin kasi sa bahay. dinala ko na rin yung cool water doon sa nakabili. ngayon, nasa kanya na yung cool water, nasa bulsa ko na yung bayad. hmm, sa susunod nga, makabili ng maraming perfume doon at maibenta dito sa blog. hahaha! pwede rin, di ba?

bukas pala, nakalongsleeves with tie ako sa pagpasok. kasi, alam nyo na, may darating na boss from japan. so, magmumukhang tao na naman ako. hahaha. sa saturday pala, tuloy na ang outing namin. hindi ko pa lang talaga alam kung saan ang venue. ang hirap kasing maghanap, marami sa alam namin, nung tawagan namin, puro fully-booked na. pero may nahanap na raw sila. tingnan ko na lang kung saan. magbubuhay bakasyonista muna kami ng dalawang araw. tamang tama naman na walang pasok sa May 1, mahaba-habang bakasyon.

nasabi ko pala na magkekwento ako kung anong nangyari sa amin nung magpunta kami sa central sa hongkong. gumala-gala lang kami doon, nagpapalit ng pera. yun palang central ang tambayan ng mga filipino doon, kaya parang nasa pilipinas ka na rin kapag andun ka. yung mga nagtitinda, mga filipino, yung mga paninda, mga paninda sa pilipinas, yung mga gumagala, mga filipino, kulang na lang dun, snatcher at mandurukot at nasa pilipinas ka na nga. hehehe.

nung andun kami, kumain kami sa jolibee. syempre, nang masubukan kung pareho din ba ang lasa ng jolibee ph at jolibee hk. pareho lang ang lasa, ang magkaiba lang, ang presyo, mas mahal sa hk. siguro, dahil syempre, inimport pa yung mga paninda sa pilipinas. sumakay pa ng eroplano yung chickenjoy. e magkano ba ang pamasahe sa eroplano? kaya siguro ganun, nagmahal sya. hehehe. napansin ko doon sa jolibee, ang tatanda na nung mga crew. parang lola ko na eh. unlike sa pilipinas na mostly ay working students ang crew between the age of 18 to 22, doon sa hk, tantya ko, 50+ na yung edad nung dalawang crew na nakita ko. mga matatandang babae. magkano kaya ang sweldo nila? ewan ko, di ko sila nainterview eh.

habang kumakain kami sa jolibee, may nakausap din kami doon, isang matandang lalaki na nakatambay lang doon, katabi ng table namin. hayun, nakakwentuhan namin. doon daw nagtatrabaho ang kanyang anak. dating stewardess sa cathay pacific, pero ngayon daw ay nasa office na sa hk nagwowork, sa logistics daw eh. so hayun, kaya andun sya sa hong kong, isinama sya ng anak nya. 2 years na daw sya dun. nung una daw, 1 year yung visa nya. tapos ngayon daw, 2 years na yung visa nya. yung anak nya, permanent resident na dun. wala din naman daw syang masyadong ginagawa dun, kasi nga, pensyonado ng kanyang anak. kaya patambay-tambay. sabi nya, ok daw ang buhay doon. tahimik, walang masyadong polusyon, at hindi delikado. anytime daw, kahit madaling araw, gumagala-gala sya kapag hindi sya mapagkatulog doon sa bahay nya.

habang nag-uusap kami, sa kabilang table, may naupo din, dalawang babae, mukhang mag-ina, at kinausap din ni lolo. syempre, habang nag-uusap sila, nakikinig rin kami. dh daw yung babae doon, at mag-ina nga sila. yung anak daw nya ay doon sa tiya nya nakikitira. 7 years na daw syang dh doon, mababait naman daw yung amo nya. tatlong araw ang day-off nya sa isang linggo. doon na rin nag-aaral yung anak nya. ang amo daw nya, director sa pccw, isang telecom company sa hk. sabi nga nila, swertehan din daw ang pagiging dh sa hongkong. kapag mabait ang amo mo, swerte ka. kung salbahe ang amo mo, malas mo, kalbaryo daw.

yun lang naman ang naging kwentuhan namin, tapos naghiwa-hiwalay na rin kami. before i end my post, panoorin nyo muna ang kakaibang balitang ito. napanood ko na ito sa dati naming office, pero ngayon ko lang ipopost dito. nakakatuwa sya.



"i hate subtitles"


yun lang!
 

Wednesday, April 26, 2006

 
cold water
magpost naman ako ng sarili ko. lately kasi, puro video sa youtube ang naipost ko eh. wala lang, natuwa lang ako dun eh. anyway, ano bang nangyari na sa akin? eto, back to normal work sa office dito sa malate. kahapon, nagtungo kami sa seaside para magdinner doon sa squared. ok naman yung luto nila doon sa mga sea food na ipinaluto namin, yun nga lang, squared rin yung presyo nila. hehehe. anyway, sulit naman, busog na busog ako, sobra. as in, tuwang tuwa ang mga bulate ko sa tyan.

ngayon, andito pa rin ako sa office. grabe, tinamaan ako ng sipon, as in, bumabahing ako maghapon. hatsu! excuse me. hayan, pati dito, sinisipon ako. hehehe. sa tindi ng sipon ko, pati mata ko, apektado, namumula, para na akong may sore eyes, pero wala naman, ang sama lang talaga ng tama nung sipon. uminom na ako ng neozep at ilang galong tubig, hehehe. di ba, yun daw ang gamot dun, drink plenty of water. sana, bukas, ok na ako. sana.

sobrang init ngayon. as in, nagigising akong basa ng pawis sa gabi. sobra, tagaktak na ang pawis ko. muntik na nga akong malunod sa pawis ko, hehehe, joke. basta, ang hirap matulog sa gabi, kaya naman nangungulit na lang ako sa text. hahaha! pasensya na sa mga biktima ko. hahaha!

yun lang, uuwi na ako. may nanalo na sa bidding nung cool water. bukas, magkikita kami para magpalitan ng epektos. hehehe. actually, sya lang yung nagbid eh. mukhang yung mga nagbabasa nito, cold water ang ginagamit kaya hindi nagbid. hahaha!

yun lang!
 
 
wazzup!
matagal ko nang alam ang budweiser commercial na ito. matagal na naming pinagtawanan ito sa office.



original budweiser commercial


ang hindi ko alam, gumawa pala ng spoof sina lola. mas cool! hahahaha!



version nina lola


yun lang!
 
 
invitation to bid
last week, nung nagpunta ako sa hongkong, nagpabili ng cool water for men ang isa kong housemate. so, bumili ako nung pauwi na ako. sa airport ko ito binili, dalawang 40mL yung binili ko, nakapackage yung dalawa. pero isa lang yung pinapabili ng housemate ko. so, hayun, pag-uwi ko, kinuha nya yung isa. ngayon, meron pa akong isa dito. ang problema, hindi ko sya pwedeng gamitin, medyo sensitive nga kasi ako sa mga perfume, nahihilo ako kapag hindi sya nagustuhan ng aking pang-amoy. so, anong gagawin ko sa isang ito?

well, naisip ko lang na ipost dito sa blog ko. magpabidding na lang ako. ayon sa housemate ko na tiningnan ang price sa landmark, it costs Php2000+. so, ipabid ko na lang dito, cash on delivery within makati area or malate. starting bid... Php1100 lang, with 100 pesos incremental value for a higher bid. hayan, mura na yan. wala pang bawas kahit isang patak. bidding will close at 6:00PM today.

so, ano? bid na! dyan na lang sa comment box yung pagpost ng bid, ok? i will not entertain bid thru e-mail and yahoo messenger.
 
 
sayang
alam nyo ba ang feeling na matapos nyong magawa ang isang napakahalagang bagay, bigla na lang itong mawawala? halimbawa, after mong magtype nang pagkahaba-habang document sa word, bigla na lang magbobrown-out at hindi mo na save ang ginawa mo. asar di ba? matapos mong paghirapan, mawawala na lang ang lahat na parang bula. ok lang sana kung encoded document lang, ang matindi, yung mga programmers na biglang mawawala yung pinaghirapang codes ng isang araw. sayang ang powers na ginugol. talagang ganyan ang buhay, nakakaasar kapag nangyayari yan. sa mga hindi pa makarelate dahil hindi pa nangyari sa inyo yan, makakarelate kayo kapag napanood nyo ang video sa baba.





yun lang!
 

Balik sa Taas




Google
addesign.gif