Google Search    Web    abs-cbn.com







 
 























Front Page (as of 12:55 AM)



Biyernes, Hulyo 06, 2007


 

Sinasabing dumukot kay Bossi dati pang naiulat na napatay ng militar

Isang professor na Muslim ang kumukuwestiyon sa suspek ng militar sa pagdukot kay Father Giancarlo Bossi dahil naiulat na raw kasing napatay ng militar ang suspek.

Si Abdusalam Akiddin, alias Kumander Kiddie, ang most wanted man ngayon sa Zamboanga Sibugay, ay kilalang lider ng Moro Islamic Liberation Front lost command. Siya ang suspek sa pagdukot kay Bossi.

Pero nagtataka si Professor Sharif Julabbi ng MILF (Moro Islamic Liberation Front) Bangsamoro Mujaheedin Alliance kung paano naging suspek ngayon ng militar si Kumander Kiddie samantalang militar din ang nagpupumilit noon na napatay ito sa isang encounter sa bayan ng Tungawan.

Kaya daw siya nakikipagtalo noon sa militar dahil alam nyang hindi si Kumander Kiddie kundi ibang tao ang napatay.

“He's not the one. That guy was only a scapegoat. I know the fellow who has been killed by the military in two years back,” ani Julabbi.

Pero ayon sa militar, baka nalimutan lang ng propesor na matagal nang inamin ng militar na nagkamali sila nang pangalanan na si Kumander Kiddie ang napatay sa engkwentro.

Ayon kay Col. Jovencio Magalso, bago pa siya napwesto sa Zamboanga Sibugay bilang pinuno ng 102nd Brigade ng Philippine Army itinuwid na ang pagkakamali.

At nagkataon ngayon na ang intelligence information nila ay tumutumbok kay Kumander Kiddie na posibleng nasa likod ng pagdukot kay Bossi.

“That was being rectified, the report was being rectified. Kaya nga nag-surface na iyong pangalan na Kiddie,” ani Magalso.

At hanggang hindi natutukoy kung sino ang tunay na dumukot sa Italyanong pari mananatiling buhay sa listahan ng militar na suspek si Kumander Kiddie sa pagdukot.

 

Text back your reaction to this article using your Globe, Touch Mobile, Smart, Talk n' Text, Sun and Addict,  cellphone by
sending REACT to 2366
or send an email to newsfeedback@abs-cbn.com 
Please refrain from offensive language, slanderous statements
and commercial messages.
Discuss this article on our message boards


Kapamilya Overseas

PASSING THROUGH

Mongrel majority
By ELLEN TORDESILLAS