ADS 

'Donsol', wagi sa Makuhari!

Jojo Gabinete

IBINALITA sa amin ni Simon Ibarra na nanalo ng special jury award sa Makuhari Film Festival ang Donsol. Bago sa aming pandinig ang Makuhari Film Festival kaya nag-research kami.

The Asian Marine Film Festival in Makuhari ang kumpletong pangalan ng filmfest na tatlong araw (Sept.1, 2 and 3) na ginanap sa Makuhari ang marine city ng Chiba, Japan.

One hundred thousand yen ang competition grand prize sa festival na may apat na requirements sa mga gustong lumahok:

1. Asian films with the sea as themes or backgrounds, etc.

2. Films whose producing countries belong to Asia.

3. 35 mm prints over 60 minutes long.

4. Films produced after 2000 and not shown to the public in Japan.

***

Cherie Gil, Angel Aquino at Jaclyn Jose

Sina Sid Lucero, Angel Aquino, Cherie Gil, Jaclyn Jose at Simon Ibarra ang lead stars ng Donsol, ang pelikula na mula sa panulat at direksyon ni Adolf Alix, Jr.

Ipinalabas sa 2006 Cinemalaya ang Donsol na nakapasa sa requirements ng Asian Film Festival in Makuhari.

Mapapanood sa pelikula ang mga butanding, ang friendly whale sharks na dumarayo sa Donsol, Sorsogon at top tourist attraction ng nabanggit na lugar.

***

Shocking para sa viewers ng Philippine Idol ang naging resulta ng text voting na naging basehan sa pagpili sa apat na male finalists. Hindi nakatulong ang outstanding performance nina Ramirr Grepo at Gian Carlo Magdangal noong Sabado ng gabi para makasama sila sa finals.

Sina Drae Ybanez, Miguel Mendoza, Reymond Sajor, at Jan Kurt Nieto ang apat na mapapalad na male finalists ng kauna-unahang Philippine Idol.

Hindi impressive ang performance ni Miguel sa semi-final round pero nakakuha siya ng malaking suporta mula sa mga teen-ager. Ang seventeener La Salle student ang pinakabata sa mga contestant ng Philippine Idol.

Nakatulong ang microphone malfunction kay Reymond dahil nakuha niya ang paghanga at simpatiya ng publiko. Ipinagpatuloy ni Reymond ang pagkanta at pagsayaw kahit alam niya na hindi naririnig ng audience ang kanyang boses.

***

Ang veteran at award-winning actor na si Eddie Garcia ang special guest sa wacky episode ng Bahay Mo Ba’To. Mapapanood mamayang gabi sa GMA 7 ang Bahay Mo Ba’To.

***

Comments are welcome at jojogabinete@yahoo.com

<BACK