Dangwa flowers
(Maria Ana Esternon)

 

Love is in the air na nga talaga at marami na sa atin ang pinaghahandaan ang Araw ng mga Puso sa Pebrero 14. Isopresa ang inyong ka-Valentine sa mga fresh flowers tulad ng roses, tulips at iba pang bulaklak na mabiling-mabili ngayong love month.


Kamakailan, sinadya ng Abante Istayl Atbp. ang Dangwa flower market sa kalye ng Dos Castillas ng Sampaloc, Manila. Ang pangalan ng pamilihang ito ay halaw mula sa pangalan ng Dangwa Transport Inc. bus station na nasa tabi ng nasabing lugar. Sa Dangwa matatagpuan ang mga samu’t saring bulaklak - sariwa, mababango at makukulay para sa iba’t ibang okasyon. Ito ang tradisyunal na pinupuntahan ng marami lalo pa’t sa tuwing sasapit ang Araw ng mga Puso. Dito ibi-nabagsak ang mga bulaklak mula sa kalapit na lugar ng Maynila tulad ng iba’t ibang kulay ng roses, tulips, paper roses, orchids, at iba pa.


Presyo ng mga bulaklak


Ayon sa ilang vendors na aming nakapanayam, natural talaga na tumaas ang presyo ng mga bulaklak habang paparating ang Valentine’s Day. Sa ordinaryong okasyon, kung ang isang flower arrangement ng roses ay umaabot lamang ng P200 hanggang 250, sumasampa ito sa halagang P400 hanggang P600 sa mga petsang Pebrero 11-15. Gayunman, mas mura pa rin ito kung ikukumpara sa mga flower shop sa malls.

Makakapunta rin dito anumang oras dahil ito’y bukas magdamag.


Sa pamilihang ito, kahit na budgeted ang inyong pera, malaya pa rin kayong makakapili ng arrangement na gusto niyo para sa romantic na pagbibigay ng bulaklak. Nag-o-offer din sila ng serbisyong pagdedeliver ng bulalak sa inyong minamahal.


Asahan na magiging matao, masikip at mainit ang lugar ng Dangwa ngayon paparating ang Araw ng mga Puso kaya dapat marami kayong baong pasensya habang pumipili ng mga bulaklak.

 

N’s Flower Shop
Fresh Flowers for All Occasion
1322 Dos Castillas Sampaloc, Manila
Tel. # 731-5111 / 0915-8771771 / 0927-5964146

 

 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section