Page Title
REV-U-TUBE: Identity Crisis ng Pinoy Idol
By Jean Oli

Marami sa magagaling na mang-aawit ng bansa ang nagmula at pinasikat ng mga reality singing competiton. Ilan lamang sa kanila ay sina Sarah Geronimo, Mark Bautista, Erik Santos, Christian Bautista, Sheryn Regis, Rachelle Ann Go, Jonaly Viray na pawang mga produkto ng iba’t ibang singing competition at patuloy pa rin sa pag-arangkada ang kanilang mga career hindi lang dito sa Pilipinas kundi pati sa ibang bansa.


Dahil sa pagkahilig ng mga Pinoy sa mga singing contests, iba’t ibang konsepto ang lumabas, may mga original, pero karamihan sa mga ito ay patterned o ginaya lamang sa mga sikat na palabas sa ibang bansa. Katulad na lamang ng sinusubaybayan na American Idol, meron ng dalawang bersyon dito sa bansa, ang naunang Philippine Idol na ipinalabas sa ABC-5 at ang Pinoy Idol na umeere na ngayon sa GMA-7. Nang maging matagumpay ang first season ng Philippine Idol, marami na ang nag-abang at umasa sa second season nito. Pero, nabili na ng Kapuso network ang franchise ng American Idol at ni-launch ulit ito bilang “the first idol competition in the Philippines” at hindi na kinilala ang unang season na Philippine Idol.


Bilang bagong palabas mula sa isa sa mga malalaking networks sa bansa, malaki ang ekspektasyon ng mga manonood sa Pinoy Idol. At dahil maraming Pinoy rin ang na-hook sa American Idol, inaasahan na marami ang susubaybay sa Pinoy version nito.


Hindi ko naman nasubaybayan ng husto ang Pinoy Idol mula sa audition at theater rounds nito. dalawang episode pa lang ang napanood ko dito at hindi na ako nagkaroon pa ulit ng interes na panoorin ito. Para kasing  kulang ng hatak sa masa ang palabas.


Malaki rin kasi ang ekspektasyon ko na mala-American Idol ang magiging approach nito dahil nga franchise ito. Pero nagmukha lang ordinaryong singing contest. Mas exciting pa ngang panoorin ang dating palabas na Pinoy Pop Superstar at Celebrity Duets. Sa totoo lang, mas mukha pang American Idol ang konsepto ng Philippine Idol dati.


Para sa sakin, medyo bothering si Jolina Magdangal as a judge. Hindi naman sa kinukwestiyon ko ang pagkapili sa kanya para mapasama sa mga judges, pero may mga pagkakataon na napaka-babaw ng kanyang mga comments sa performance ng mga contestants. Ang talent manager naman na si Wyngard Tracy ay medyo may pag-Simon Cowell na sana ay gumawa na lang siya ng sarili niyang identity. Samantala, malalim naman ang mga comments ni Ogie Alcasid na kung didibdibin lang ng mga contestants ay makakatulong talaga para mag-improve sila.


Pagdating naman sa mga finalists, meron silang potensiyal para maging “idol” ngunit hilaw na hilaw pa ang kanilang pagkanta dahil hindi pa sila lumalabas sa kanilang mga comfort zone. Lagi silang play safe. Sa ngayon, wala akong makitang nag-stand-out o ‘yung may sariling identity na dinedevelop. Siguro dapat itong pagtuunan ng production ng show, ang bigyang ng kani-kaniyang identity o personalidad ang mga contestant.


Sabi nga, there’s always a room for improvement. Sa dinami-dami na ng reviews sa Pinoy Idol, hindi naman siguro makakasama kung pagtuunan ito ng pansin ng mga tao sa likod ng show para na rin sa ikabubuti at ikakagaganda pa ng palabas.


Photos by PARAZZI ZOON & PARAZZI WIRES

More
USAPANG PARATSI
June 25-26, 2008
 

 

 

PHOTOSTORIES

 

 

FEATURE STORIES