article

Regal Films celebrates year-long 48th anniversary with "Mag-ingat Ka Sa...Kulam"


 
Judy Ann Santos (right) is slated to do four movies for Mother Lily Monteverde's (left) Regal Films as part of the film company's year-long 48th anniversary presentation.

Regal Films celebrates year-long 48th anniversary with "Mag-ingat Ka Sa...Kulam"

Dinno Erece

Rating


Regal Films is all set for its one-year 48th anniversary celebration starting this October.

 

Month of August dati isini-celebrate ng Regal Entertainment ang anniversary nito magmula nang ipapalabas ang unang pelikulang iprinodyus nila, ang Kayod Sa Araw, Kayod Sa Gabi noong dekada ‘70. Binago ni Mother Lily Monteverde ang buwan ng selebrasyon dahil sa dalawang rason.

 

Una, ibinilang ng Regal ang taon na una silang pumasok sa showbiz hindi lang bilang producer ng local movies kundi sa pagsisimula nila bilang taga-release ng foreign movies. Dating Good Harvest, sila ang nag-release ng isa sa pinakamalaking pampamilyang pelikula ng Hollywood noong 1962 na All Mine to Give.

 

Ikalawa, "sa Chinese tradition, August is the month of the dead and the ghosts," paliwanag ni Mother Lily sa presscon ng Mag-ingat Ka Sa... Kulam. Sa international movie ni Alessandra de Rossi na The Maid, ito ang naging tema ng pelikula—ang pagdating niya sa Singapore na panimula ng celebration of the angry ghost sa buwan ng Agosto.

 

Isang taon magsi-celebrate ang Regal at sunud-sunod na projects ang gagawin nila. Dapat sana'y ia-announce ito ni Roselle Monteverde-Teo sa general question and answer ngunit naputol ang pagsagot niya sa isang segue question kung kaya't kinausap na lang namin siya pagkatapos ng Q&A.

 

"Marami. Una na yung apat na movie ni Juday [Judy Ann Santos]," pauna ni Roselle.

 

Dalawang two-picture contract ang pinirmahan ni Juday para sa Regal. Una na nga rito ang Mag-ingat Ka Sa... Kulam kasama si Dennis Trillo na ipalalabas na sa October 1. Gagawin na ang kasunod, ang balik-tambalan nila ng kanyang real-life boyfriend na si Ryan Agoncillo, na malamang ay maging opener ng Regal para sa 2009.

 

Sa dalawa pang pelikula ni Juday, una ay ang pagsasama nila ni Richard Gutierrez at ikalawa ay ang isang pelikula naman na pagsasamahan nila ni Marian Rivera.

 

Hinahanda na rin ang dalawang festival entries ng Regal sa 2009 Metro Manila Film Festival-Philippines na Shake, Rattle & Roll X at Desperadas 2. Next year, makiki co-produce pala ang Regal sa GMA Films para sa ikalawang pagsasama nina Richard at KC Concepcion na When I Met You.

 

Ang isa sa pinag-uusapan pa lang at pinaghahandaan ng Regal ay ang pagbabalik ni Gabby Concepcion sa Regal at binabalak nilang iparehas si Marian sa dating matinee idol ng dekada ‘80. Naitanong namin kung co-produced din ba ito with GMA Films. Hindi raw, iba kasi ang plano ng GMA Films para sa isang picture contract nila kay Gabby, si Iza Calzado ang binabalak nilang ipareha.


Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Email this link
# 17
i_am_a_falker
September 9, 2008
09:40 AM

wahahahaha, malapit naraw maging kapuso si JUDAY??? ganun?? okay sa inyo na yan, may roon na kayong anabelle plus may lola alfie pa. naku, dami na atang maging kalaban si Wilma Galvante pag nang yari yun... Anabelle Plus Alfie VS WILMA GALVANTE??? okay.. saan na kaya pupuluting ang mga starlet pag andun na si JUDAY>. LOLZ!

# 16
princess_lisa
September 8, 2008
16:27 PM

OMG... di ko kaya ang offering ng Regal Films ha..

aba, after sa pagka-pangit na 20th ywear in showbiz ni juday..
naging most important thing na sya ha..

well.. deserved nya ang lahat ng to..
the one and only young superstar...

# 15
claine21
September 8, 2008
14:36 PM

the marian and juday movie will be the biggest box office ever of REGAL films!

# 14
slms324
September 8, 2008
14:00 PM

support nu na lang, basta lang ba kasya sa budyet nung manuod, kasi marami ng nalulugi na nag pro-produce ng movie, mas kumikita pa ang pirata.
para sa atin din naman iyon, kung ala ng mag produce ng movie, ano pa panunuorin natin?
di ba mas masarap pa ring manuod ng sariling wika at sariling atin?.

# 13
kaiser
September 8, 2008
13:06 PM

aabngan ko movie team up nila ni marian......................... its certified big hit for the first time! whew!

# 12
luvkoTV
September 8, 2008
12:46 PM

mzkhenss, halatang masyado kang bitter

# 11
luvkoTV
September 8, 2008
12:44 PM

co produce does not mean na wala budget asan ba utak nyo? bakit ang Star Cinema ba indi ri nakikico produce? ano tawag mo sa movie nina Sarah at John lloyd? sa movie ni aga at ane curtis? indi ba co produce din with Viva?

# 10
mzkhen27
September 8, 2008
11:35 AM

oo nga walang budget ang GME films.. kailangan pa ng regal para makagawa ng film :-P

# 9
avatartv5_530
September 8, 2008
11:26 AM

omg..
bakit co produce na naman ng regal ang movie nina chard at kc sa gma films!!

wala bang budjet and gma diyan??

nakaya ng star cinema na sila lang..

co produce para maging box office super duper hit kuno!!lol

well, advance hapi anniversary regal..
more quality movies to come!!
congrats..

at kai juday naman.. congrats!!

# 8
maulap
September 8, 2008
10:47 AM

support na lang natin lahat ng pelikulang pilipino...kung kaya rin lang ng budget :D

# 7
miss_universe
September 8, 2008
10:20 AM

thunder ikaw ang nabubuhay sa kasinungalingan. fact na nga di mo pa matanggap. stop being bitter

# 6
kapamilyang_t
unay

September 8, 2008
10:16 AM

hay naku, has been na ang REGAL pag dating sa mga blockbuster movies, Star Cinema na ngayon..

# 5
thunder_1273
September 8, 2008
10:07 AM

Sinong naniniwalang panay blockbuster hit ang mga movie ng STAR Cinema? Lokohin niyo lelang niyo!...

Yung iba, ok pero madami din sila flop... Ginagamitan lang nila ng pera ng MERALCO mga movies na yan kaya akala nila malaki ang kita...

Talong-talo nga ng kita ng GMA ang ABS e... to think na may sarili pa silang publications, shows abroad...

Ang nabubuhay sa system's loss, mamamatay din sa system's loss... whahahah!....

# 4
xerochubibi
September 8, 2008
09:49 AM

for sure di lilipat yan si juday sa kapuso kasi babagsak ang career niya diyan, hindi na siya palaging makakapaghow sa ibang bansa, hindi na siya magkakaroon ng blockbuster na movie at lalong lalo na hindi na siya magkakamovie na my international screening na gustong mangyari ni jolina. hahaha

# 3
ohmhokz
September 8, 2008
09:36 AM

buti pa si juday open sa lahat ng film company..congrats miss juday!

# 2
ohmhokz
September 8, 2008
09:34 AM

juday gagawa ng movie again sa GMA films via Ouija 2...??hmmm

# 1
ohmhokz
September 8, 2008
09:30 AM

juday malapit ng maging kapuso

page    1   
pagelocation: news
Login to All Access to use PEP Talk

Elsewhere

Advertisement