Arhentina

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Republikang Arhentino
República Argentina
Pambansang Kasabihan: 
Pambansang Awit: 

Sol de Mayo
(Araw ng Mayo)

Sol de Mayo
Ang Pangunahing Lupain ng Arhentina ay ipinakikita sa malamlam na luntian, at ang mga inaangking lupain naman sa mapusyaw na luntian
Kabisera
(at pinakamalaking lungsod)
Buenos Aires
34°20′S 58°30′W / 34.333°S 58.500°W / -34.333; -58.500
Opisyal na wika Kastila/Espanyol
Pamahalaan Republikang pederal
 -  Pangulo Cristina Fernández de Kirchner
Kalayaan mula sa Espanya 
 -  Rebolusyong Mayo Mayo 25, 1810 
 -  Pinahayag Hulyo 9, 1816 
 -  Kinilala 1821 (ng Portugal
Lawak
 -  Kabuuan 2,791,810¤ km2 (ika-8)
1,077,924¤ sq mi 
 -  Katubigan (%) 1.1
Populasyon
 -  Pagtataya ng 2006 39,921,833 (ika-30)
 -  Senso ng 2001 36,260,130 
 -  Kakapalan 13/km2 (ika-165)
33.7/sq mi
KGK (KLP) Pagtataya ng 2005
 -  Kabuuan US$ 537.2 bilyon [1] (ika-22)
 -  Per capita US$ 14,087 (ika-50)
TKT (2003) 0.863 (high) (ika-34)
Salipi Peso (ARS)
Pook ng oras ART (UTC-3)
 -  Tag-araw (DST) ARST (UTC-3)
Internet TLD .ar
Kodigong pantawag 54

Ang Arhentina[1] (Kastila: Argentina, binibigkas bilang /ar·hen·TI·na/; Ingles: Argentina /ˌɑrənˈtnə/) ay isang bansa sa timog-silangan ng Timog Amerika. Kabahagi sa Katimugang Apa (Southern Cone) ang mas maliit na kapitbahayang Chile, hinahanggan ito ng Paraguay at Bolivia sa hilaga; ng Brazil sa hilagang-silangan; ng Uruguay at ng timog Karagatang Atlantiko sa silangan; ng Chile sa kanluran; at ng Drake Passage sa timog.

Pormal na tinatawag ang bansa na Republikang Arhentino (Kastila: República Argentina) habang ginagamit naman ang anyong Nación Argentina (Bansang Arhentino) sa mga gawaing lehislatibo.

Sa lawak ng pangunahing lupain nito na 2,780,400 km² (1,073,518 sq mi), ang Arhentina ang ikawalong pinakamalaking bansa sa buong daigdig, ikalawang pinakamalaki sa Latin Amerika, at pinakamaraming tagapagsalita ng wikang Kastila sa nasabing lugar. Inaangkin ng bansa ang Kapuluang Falkland (Falkland Islands) (Kastila: Islas Malvinas) at South Georgia at ang South Sandwich Islands, mga teritoryong sakop ng kapangyarihan ng Britanya. Inaangkin din ng Arhentina ang 969,464 km² (374,312 sq mi) ng Antartika, na tinaguriang Antartikang Arhentino, isang pook na inaari rin ng Chile at ng Nagkakaisang Kaharian.

Ang Arhentina ang may pinakamataas na antas sa Talatuntunan ng Kaunlaran ng Tao (Human Development Index) at per capita ng Kabuuan ng Gawang Katutubo (Gross Domestic Product o GDP) sa kapantayan ng lakas ng pagbili (purchasing power parity) sa Latin Amerika.[2][3] Kasalukuyang kabilang ang bansang ito sa klasipikasyong Bansa ng mga Kumikitang nasa Gitnang-Antas (Upper-Middle Income Country)[4] o bilang isang pangalawang bumabangong pamilihan ayon sa Bangkong Pandaigdigan.[5][6] Ang antas-bilang (nominal) na pang-GDP ng Arhentina ang nagsasabing ang bansang ito ang ika-31 na pinakamalaking ekonomiya sa mundo.[7]

Pangalan at etimolohiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang pangalang Arhentina ay nakuha mula sa Latin na argentum ("pilak" o plata sa Kastila), isang pangngalang may kaugnayan sa alamat ng Sierra de la Plata, na laganap sa mga unang manlalakbay na Europeo ng Río de la Plata.

Ang unang nakataláng gamit ng pangalan ay matutunton sa La Argentina y conquista del Río de la Plata (Ang Arhentina at pagsakop sa Río de la Plata), isang tula noong 1602 ni Martín del Barco Centenera na naglalarawan ng rehiyon at pagkakatatag ng Buenos Aires. Bagaman at pangkaraniwan nang ginagamit ang "Arhentina" noong ika-18 dantaon, pormal na tinawag ang bansa na Virreinato del Río de la Plata ng Imperyong Kastila, at "Nagkakaisang mga Lalawigan ng Río de la Plata" matapos ang kalayaan nito.

Sa wikang Ingles, nakaugaliang tawaging The Argentine (Ang Arhentina) ang bansa, upang gayahin ang tipikal na gamit nito sa Kastila na la Argentina. Nawala ito sa uso noong kalagitnaan hanggang nitong huling bahagi ng ika-20 dantaon, at sa ngayon ay tinatawag na lamang ang bansa na "Arhentina."

Sa wikang Kastila, ang Argentina ay pambabae (feminine). Dahil dito, isa ito sa mga taliwas sa tuntuning pambalarila na anumang pangngalang nagsisimula sa titik A ay dapat ginagamitan ng panlalaking paghalip (masculine pronoun) na el (hal. el agua, "ang tubig"). Ang dahilan nito'y hiniram ang pangalan mula sa wikang Pranses na L'Argent.

Politika[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga lalawigan[baguhin | baguhin ang batayan]

Salta

Ang Arhentina ay isang pederasyon ng 23 lalawigan at isang nagsasariling lungsod, Buenos Aires. Ang mga lalawigan ay nahahating pang-administratibo sa mga departamento at munisipalidad, maliban sa Lalawigan ng Buenos Aires na nahahati sa mga partido. Ang Lungsod ng Buenos Aires ay nahahati sa mga komuna.





Demograpiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga wika[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang de facto na opisyal na wika ay Kastila/Espanyol, na sinasalita ng halos lahat ng Arhentino. Ang bansa ang pinakamalaking pangkat na mananalita ng wikang Kastila na gumagamit ng voseo, ang paggamit ng panghalip na vos sa halip na (ikaw), na ginagamitan ng alternatibong porma ng mga pandiwa. Dahil sa malawak na heograpiya ng Arhentina, nagkakaroon ng malaking pagkakaiba-iba ang Kastila sa bawat rehiyon, bagaman at ang diyalektong higit na umiiral ay ang Rioplatense, na pangunahing sinasalita sa Ilog La Plata at ang punto'y kahawig ng wikang Neapolitan. Naimpluwensiyahan naman ng mga lumipat na Italyano at iba pang Europeo ang Lunfardo, isang rehiyunal na wikang pabalbal, na kumalat maging sa iba pang mga bansa sa Latin Amerika.

Iba't ibang paksa[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]



Mga bansa sa Timog Amerika
Argentina | Bolivia | Brazil | Chile | Colombia | Ecuador | Guyana | Panama | Paraguay | Peru | Suriname | Trinidad and Tobago | Uruguay | Venezuela
Mga dumidepende: Falkland Islands | French Guiana


BansaArhentina Ang lathalaing ito na tungkol sa Bansa at Arhentina ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.