Werner Heisenberg

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Werner Heisenberg
Kapanganakan Werner Karl Heisenberg
5 Disyembre 1901(1901-12-05)
Würzburg, Bavaria, Alemanya
Kamatayan 1 Pebrero 1976 (edad 74)
Munich, Kanlurang Alemanya
Kabansaan Aleman
Larangan Pisika
Institusyon Pamantasan ng Göttingen
Pamantasan ng Copenhagen
Pamantasan ng Leipzig
Pamantasan ng Berlin
Pamantasan ng Munich
Alma mater Pamantasan ng Munich
Tagapayo sa pagkaduktor Arnold Sommerfeld
Iba pang mga tagapayong pang-akademiya Niels Bohr
Max Born
Mga estudyante sa pagkaduktor Felix Bloch
Edward Teller
Rudolph E. Peierls
Reinhard Oehme
Friedwardt Winterberg
Peter Mittelstaedt
Şerban Ţiţeica
Ivan Supek
Erich Bagge
Hermann Arthur Jahn
Raziuddin Siddiqui
Heimo Dolch
Hans Heinrich Euler
Edwin Gora
Bernhard Kockel
Arnold Siegert
Wang Foh-san
Iba pang nakikilalang mga estudyante William Vermillion Houston
Guido Beck
Ugo Fano
Kinikilala dahil sa Prinsipyo ng Pag-aalinlangan
mikroskopyo ni Heisenberg
mekaniks ng matris
pormulang Kramers-Heisenberg
pangkat na Heisenberg
Isospin
(Mga) nakaimpluwensiya Robert Döpel
Carl Friedrich von Weizsäcker
Natatanging mga gantimpala Gantimpalang Nobel sa Pisika (1932)
Medalyang Max Planck (1933)
Lagda
Mga tala
Siya ang ama ng neurobiyologong si Martin Heisenberg at ang anak na lalaki ni August Heisenberg

Si Werner Heisenberg[1] (5 Disyembre, 1901 sa Würzburg1 Pebrero, 1976 sa Munich) ay isang Alemang pisikong teoretikal na gumawa ng mga pangunahing ambag sa mekaniks na kwantum at kilala sa kanyang asersiyon ng prinsipyo ng walang katiyakan ng teoriya ng kwantum. Sa karagdagan, siya ay gumawa din mga mahahalagang ambag sa pisikang nukleyar, teoriyang kwantum na larangan at pisika ng partikulo.

Si Heisenberg kasama si Max Born at Pascual Jordan ang naglatag ng pormulasyong matriks ng kwantum mekaniks noong 1925. Siya ay naparangalan ng Gantimpalang Nobel noong 1932 sa kanyang pagkakalikha ng kwantum mekaniks at ang aplikasyon nito lalo na sa pagkakatuklas ng mga alotropikong mga anyo ng hidroheno.

Kasunod ng ikalawang digmaang pandaigdig, siya ay nahirang na direktor ng Kaiser Wilhelm Institute for Physics na sa sandaling panahon ay muling ipinangalang Max Planck Institute for Physics. Siya ang direktor ng institutong ito hanggang sa ito ay ilipat sa Munich noong 1958 nang ito ay palawakin at muling pinangalanang Max Planck Institute for Physics and Astrophysics.

Si Heisenberg ay isa ring pangulo ng German Research Council, puno(chairman) ng Commission for Atomic Physics, puno ng Nuclear Physics Working Group, at pangulo ng Alexander von Humboldt Foundation.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Cline, Barbara Lovett. "Werner Heisenberg," Men Who Made a New Physics: Physicists and the Quantum Theory, dating pamagat: The Questions, Signet Science Library Book, The New American Library, New York/Toronto, 1965/1969, Library of Congress Catalog Card No. 65-18693