Lungsod ng Bruselas

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Ang Dakilang Palasyo ng Bruselas.

Ang Bruselas (Ingles: Brussels; Olandes: Brussel; Kastila: Bruselas; Pranses: Bruxelles)[1] ay ang kabisera ng Belhika, ng Flanders (binubuo ng parehong Pamayanan ng mga Flamenco at ng Rehiyong Flamenco) at ng Pamayanang Pranses sa Belhika, at ang himpilan ng institusyong Unyong Europeo.

Ang Brussels ay ang kabiserang lungsod, sa gitna ng Belhika, at ang pinakamalaking munisipalidad sa Rehiyong Kabiserang Brussels. Ang munisipalidad na ito na nasa loob ng Brussels ay ang wastong pinangalanan na Lungsod ng Brussels (Pranses Bruxelles-ville o Ville due Bruxelles, Olandes:Stad Brusssel) na isa sa 19 na munisipaliad na bumubuo sa Rehiyong Kabiserang Brussels, na may kabuuang populasyong 1,018,804 (1 Enero 2006), at ang munisipalidad ay mayroong 140,000. Ang kalakhang lugar ay may 2,090,000 naninirahan.

Ito rin ang himpilan pampolitika ng NATO, ng Unyong Kanlurang Europeo (WEU) at ng EUROCONTROL.

Pinagmulan ng Pangalan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang pangalang Brussels ay galing sa Matandang Olandes na salitang Bruocsella, Brucsella o Broekzele, na ibig sabihin ay "damuhan (bruc o broek) tahanan (sella or zele)" o "tahanang naglalaman ng isang silid, sa damuhan".

Talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Karasig, Jose Domingo (Agosto 1936). "Dakilang Dakila". Liwayway Extra (Maynila: Ramon Roces Publications, Inc.): 28-31, 105-114. "Sa tahanang pangtag-araw pa ng hari sa dakong silangan ng Alhambra nagpalipas ng pulot-gata ang bagong kasal. Isang buwan sila rito at pagkaraan ay naglakbay sa Londres, sa Paris, sa Berlin, sa Estokolmo, sa Bruselas, sa Roma at Alehandria ng Ehipto." 




Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.