Labanan sa Stalingrad

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Labanan sa Stalingrad
Bahagi ng Silangang Teatro ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Bundesarchiv Bild 183-W0506-316, Russland, Kampf um Stalingrad, Siegesflagge.jpg
Isang sundalong Sobyet na nagwawagayway sa Bandilang Sobyet sa gitnang plasa ng Stalingrad noong 1943
Petsa ika-23 ng Agusto 1942 hanggang ika-2ng Pebrero, 1943
Pook Lungsod ng Stalingrad, Sobyet na Pederatibong Sosyalistang Republika ng Rusya, Unyong Sobyet
Kinalabasan Pangwakas na tagumpay ng mga Sobyet
Naglalabanan
Flag of the Soviet Union.svg Unyong Sobyet Flag of German Reich (1935–1945).svg Alemanya

Flag of Romania.svg Rumanya
Flag of Italy (1861-1946).svg Italya
Flag of Hungary (1920–1946).svg Unggarya
Flag of Independent State of Croatia.svg Kroasya

Komandante
Flag of the Soviet Union.svg Joseph Stalin

Flag of the Soviet Union.svg Georgy Zhukov
Flag of the Soviet Union.svg Nikolay Voronov
Flag of the Soviet Union.svg Aleksandr Vasilyevsky
Flag of the Soviet Union.svg Andrei Yeremenko
Flag of the Soviet Union.svg Nikita Khrushchev
Flag of the Soviet Union.svg Konstantin Rokossovsky
Flag of the Soviet Union.svg Nikolai Vatutin
Flag of the Soviet Union.svg Vasily Chuikov

Flag of German Reich (1935–1945).svg Adolf Hitler

Flag of German Reich (1935–1945).svg Erich von Manstein
Flag of German Reich (1935–1945).svg Friedrich Paulus (Sumuko)
Flag of German Reich (1935–1945).svg Hermann Hoth
Flag of German Reich (1935–1945).svg Wolfram von Richthofen
Flag of Romania.svg Petre Dumitrescu
Flag of Romania.svg Constantin Constantinescu
Flag of Italy (1861-1946).svg Italo Gariboldi
Flag of Hungary (1920–1946).svg Gusztáv Vitéz Jány
Flag of Independent State of Croatia.svg Viktor Pavičić †

Lakas
Inisyal:
300,000 sundalo, 250 tangke, 2,000 mga kanyon at mortar, at 400 eroplano

Sa kasagsagan ng kontra-opensiba nga mga Sobyet:
2,500,000 sundalo
mahigit 1,150,000 katao ang nasa mga kapaligiran ng Stalingrad
5,000 tangke
18,000 kanyon at mga mortar
3,000 eroplanong pandigma

Inisyal:
270,000 sundalo, 400 tangke, 3,000 mga kanyon at mortar, at 500 eroplano

Sa kasagsagan ng kontra-opensiba ng mga Sobyet:
1,040,000 sundalo:
mahigit 400,000 ay mga Aleman, mula naman sa mga kaalyado ng nabanggit ang iba pa
1,200 tangke
10,000 kanyon at mga mortar
800 eroplanong pandigma

Biktima
1,130,000 sundalong namatay, nasugatan, nagkasakit at nawawala
4,000 tangkeng nawasak
15,000 kanyon at mga mortar na nawasak
2,700 eroplanong nawasak
mahigit ~1,000,000 sundalong namatay, nasugatan, nagkasakit at nawawala
100,000 nabihag
2,000 tangkeng nawasak
6,000 kanyon at mga mortar na nawasak
1,000 eroplanong nawasak
Pagkawasak ng buong Ika-6 Hukbo ng Alemanya

Nangyari and Labanan sa Stalingrad noong ika-23 ng Agusto hanggang ika-2 ng Pebrero, 1943, sa kapanahunan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kung saan nagsagupaan ang mga hukbo ng Alemanya at mga kaalyado laban sa mga hukbo ng mga Sobyet para sa kontrol ng Lungsod ng Stalingrad (Volgograd sa kasulukuyan) sa timog-silangang Rusya. Tumagal ang labanan sa 5 buwan, isang linggo at 3 araw.

Kilala ang labanan sa hindi kailanmang matutumbansang bangis ng labanan sa loob ng lungsod, walang humpay na pandadanak ng dugo sa bawat isa, at ang pagwawalang-bahala sa mga biktima sa labanan, mapa-militar man o mapa-sibilyan. Isa ang labanan sa mga pinakamadugong labanan sa kasaysayan ng daigdig. Napakalaki ang pinaghalong bilang ng mga biktima sa labanan na aabot ng hindi bababa sa dalawang milyon ang namatay, nasugatan at nagkasakit. Naging balakid ang labanan para sa mga Aleman kung saan ito na ang pangwakas na katapusan ng kanilang mga tagumpay sanhi ng dami ng nawalang tauhan at mga kagamitang pandigma para isagawa pa ang pakikidigma sa mga lupain ng Unyong Sobyet, bagkus nawalan ng pagkakaisa para muling magtagumpay sa mga labanan sa Silangang Teatro ng pakikipaglaban sa kapanahunan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.