Kalendaryong Gregoryano

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Kalendaryong Gregorian)
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang Kalendaryong Gregoriano o Talaarawang Gregoryano ay ang pinakasikat na kalendaryo sa kanluranin. Nagbuhat ito sa Kalendaryong Juliano at unang ipinanukala ng isang doktor na taga-Neapolitano na si Aloysius Lilius. Pinagtibay ang paggamit ng kalendaryong ito ni Papa Gregorio XIII (Ikalabing tatlo), na siya ring pinagmulan ng pangalan ng kalendaryong ito. Pinagtibay ito noong Pebrero 24, 1981, gayumpaman ang bula ng Santo Papa (ang papal bull) - ang Inter gravissimas - ay nalagdaan noong 1581 sa di-malamang kadahilanan at nailathala noong Marso 1, 1582. May ibang bula ng papang hindi salungat sa taon ng pagkapapa at maging ibang taon.

Sa kasalukuyan, ang ginagamit na sistema sa pagbibilang ng araw ay batay sa Kalendaryong Gregoryano sa maraming bansa. Sa pamamagitan ng kalendaryong ito ay itinalaga ang Enero 1 bilang simula ng isang taon. Bago dumating ang Kalendaryong Gregoryano, ang pinagbabatayan ng pagbilang ng taon ay ang Kalendaryong Juliano na hango sa pangalan ni Julius Caesar.

Buwan[baguhin | baguhin ang batayan]

Sa Kalendaryong ito, ang bawat taon ay nahahati sa 12ng buwan:

Pangalang Gregoryano Bilang ng Araw Pinagmulan ng Ngalang Buwan
Enero 31 Janus, Romanong diyos ng simula at dulo.
Pebrero 28/29 Alay sa Romanong diyos na si Lupercus Februus na siyang galing sa februa Lupercalia, isang Romanong piyestang paglilinis at pagpapadalisay. Ito'y ipindgdiriwang sa tuwing ika-15ng ng buwang tukoy.1[1]
Marso 31 Mars, Romanong diyos ng digmaan.
Abril 30 Wikang Latin: aperire, o pagbukas, maaaring tumutukoy sa unang 'pagbukas' ng mga puno at bulaklak na madalas maranasan sa buwang ito.
Mayo 31 Maia, Romanong diyos
Hunyo 30 Juno, Romanong Diyos, asawa ni Hupiter
Hulyo 31 Julius Caesar, isang Romanong diktador.
Agosto 31 Augustus (Ang unang Romanong Emperador)
Setyembre 30 Wikang Latin: septem o pito, tumutukoy sa ika-7ng buwan sa Romanong Kalendaryo.
Oktubre 31 Wikang Latin: octo o walo, tumutukoy sa ika-8ng buwan sa Romanong Kalendaryo.
Nobyembre 30 Wikang Latin: novem o siyam, tumutukoy sa ika-9 na buwan sa Romanong Kalendaryo.
Disyembre 31 Wikang Latin: decem, o sampu, ang ikasampung buwan sa Kalendaryong Romano.
Total / Kabuuan 365/366

Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]



Agham Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.