MediaWiki

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
MediaWiki-smaller-logo.png

Ang MediaWiki ay isang software pang-wiki na may lisensyang free and open-source (malaya at bukas na pinagmulan). Ginawa ito ng Pundasyong Wikimedia at tumatakbo ito sa maraming mga websayt, kabilang ang Wikipedia, Wiktionary at Wikimedia Commons.[1] Nakasulat ito sa wikang pamprograma na PHP at gumagamit ng isang backend database.

Inilabas ang unang bersyon ng software para matugunan ang pangangailangan ng ensiklopedyang Wikipedia noong 2002.[2] Patuloy naging malaki bahagi sa pagsulong at pagtatakda ng mga pangangailangan ng MediaWiki ang Wikipedia at ibang proyekto ng Wikimedia.[3] Pinagbuti ang software para episyenteng pamahalaanan ang mga malalaking proyekto, na maaring may laking terabyte ang nilalaman at daan-libong mga hit bawat segundo.[3][4] Dahil ang Wikipedia ay isa sa mga malalaking websayt sa mundo, ang pagtamo ng papalit-palit ng laki (scalability) sa pamamagitan ng napakaraming patong ng caching at database replication ay ang isa sa mga pangunahing alalahanin ng mga tagagawa (developers) ng MediaWiki.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Barrett, Daniel J. (Oktubre 2008). MediaWiki. O'Reilly Media. ISBN 978-0-596-51979-7. http://oreilly.com/catalog/9780596519681. 
  2. "MediaWiki history". MediaWiki website. //www.mediawiki.org/w/index.php?title=MediaWiki_history&oldid=618636. Hinango noong 2013-08-04. 
  3. 3.0 3.1 "What is MediaWiki?". https://www.mediawiki.org/w/index.php?title=Manual:What_is_MediaWiki%3F&oldid=743778. Hinango noong 2013-08-04. 
  4. Česky. "Wikipedia:Statistics – Wikipedia, the free encyclopedia". En.wikipedia.org. //en.wikipedia.org/w/index.php?title=Wikipedia:Statistics&oldid=352738565. Hinango noong 2010-05-30.