Moral Assessment

+

Abhorrent

+ +

Disturbing

+ + +

Acceptable

+ + + +

Wholesome

+ + + + +

Exemplary

Technical Assessment

Poor

• •

Below average

• • •

Average

• • • •

Above average

• • • • •

Excellent

CINEMA Rating Guide

VA

For viewers of all ages

V13

For viewers age 13 and below with parental guidance

V14

For viewers 14 and above

V18

For mature viewers 18 and above

NP

Not for public viewing

 

 

 

 

Title:

MAY PAG-IBIG PA KAYA?

Running Time: 

100 min

Lead Cast:

Judy Ann Santos, Luis Alandy, Gladys Reyes, Matet de Leon, Vhong Navarro, Jeffrey Santos, Pinky Amador

Director: 

Jose N. Carreon

Producer: 

Wilson C. Pascual

Screenwriter: 

Ricky Lee

Music:

Jim Antiporda

Editor: 

Rudy Cabrales

Genre:

Drama

Cinematography: 

Johnny Araojo

Distributor:

Starlight Films

Location: 

Manila

Technical Assessment: 

• • •

Moral Assessment: 

+ + +

CINEMA Rating:  

For viewers 13 and below with parental guidance

 

Lihim na itinatangi ni Emily (Judy Ann Santos) si Alberto (Luis Alandy), isang sikat na soccer player sa kanilang unibersidad. Subalit hindi siya ang tipong papansinin ng binata. Isa sa mga dahilan nito ay ang napupusuan niyang si Tere (Matet de Leon). Muling nagtagpo si Emily at Alberto sa isang ad agency na kung saan ay pareho silang copywriter. Nabuhay muli ang damdamin ni Emily sa binata, at tila naman natauhan ang huli na nahulog din ang loob sa dalaga. Sa isang kakaibang insidente, nagkakilala si Emily at Tere at naging mabuti silang magkaibigan. Hindi nila alam na ang kanilang damdamin ay nakatuon sa iisang lalaki. Subalit hindi si Tere o ang kontrabidang si Pilar (Gladys Reyes) kundi isang pangyayari sa opisina ang naging dahilan ng paghihiwalay ni Emily at Alberto.

May kasabihan na kapag pinanood mo ang isang pelikula ni Judy Ann Santos – drama man o comedy – ay para mo na ring napanood ang lahat ng kanyang pelikula. Bakit? Iisa kasi ang takbo ng kuwento: si Juday ay martir o api-apihan sa pag-ibig ngunit sa bandang huli ay matagumpay niyang makukuha ang kanyang iniibig. Masyadong gasgas sa tema! Tila napakababaw ng kuwentong May Pag-ibig Pa Kaya? na masasabing hindi angkop para sa mga batikang artista na kasama sa pelikula. Binabanggit ng mga movie stars na ang pelikulang ito ang launching film ng bagong "crush ng bayan" na si Luis Alandy. Banggitin natin na kaakit-akit ang sinematograpiya lalo na ang mga malungkot o romantikong eksena sa gabi.

Anong bagay sa kuwento ang puwedeng isabuhay natin? Una, maganda ang itinuturo tungkol sa pagpapahalaga sa mga hayop. Pangalawa, naroon ang pagpapahalaga ng kapakanan ng pamilya. Pangatlo, ang tinatawag na professionalism at "healthy competition" sa ating trabaho. Higit sa lahat, naroon ang katotohanan ng kasabihang "Quarrels must be ended as soon as these start because love is important." May pag-ibig pa kaya? Oo naman, pagka't magandang iwanan ang mga alitan, magpatawad ng tapat, at muling magmahalan. Hindi lang ito para sa mga magsing-irog, kundi pati rin sa mga magkaibigan, magkamag-anak o magkasama sa trabaho.

 

(Date reviewed: February 1, 2002)

 

HOMEABOUT USNEWSPROGRAMSDOCUMENTSMOVIE REVIEWSARCHIVES
RATINGSCALENDARPHOTO GALLERYCONTACT USPRIVACY POLICY | LINKS