Helen moves to GMA-7


SUSUNOD  si Helen Gamboa sa mga kaanak niya na taga-GMA7. Sa Tuesday ay pipirma na ng exclusive contract si  Helen sa GMA network. Di pa masabi ng aming source kung ilang taong kontrata ang pipirmahan ng  asawa ni Sen. Tito Sotto.  Si Sen. Tito ay mainstay ng Eat Bulaga, kasama ang brother in law na si Vic Sotto na bida rin sa fantasy-comedy, Vampire ang Daddy Ko.

May markadong role agad si Helen sa bagong soap opera nina Lovi Poe, Cesar Montano at Rocco Nacino, kasama sina Solenn Heussaff at Charrie Pineda, ang  Akin Pa Rin Ang Bukas, na ididirek ni Laurice Guillen.

Samantala, balik-GMA7 din si Gary Estrada na lalabas na tatay ni Lovi.

Sa Akin Pa Rin Ang Bukas, stepsisters sina Lovi at Charrie. Pero, ang dalawa ang mag-aagawan sa pag-ibig ni Rocco.

Si Solenn ay magiging girlfriend ni Cesar.

Magsisimula ito sa July 29.

CHAREE, BALIK-GMA

NAGBABALIK din sa GMA7 si Charee Pineda, na nagsimula sa Kapuso network noong siya’y teenager pa lang. Last month pa pumirma ng three-year exclusive contract si Charee bilang Kapuso.

Inilipat siya noon ng kanyang manager na si Becky Aguila sa ABS-CBN kasama sina  Angel  Locsin at Valerie Concepcion .

Parehong bumalik nasa GMA7 sina Valerie at Charee samantalang nanatili sa Kapamilya network si Angel na ngayo'y iba na ang manager, si Manay Ethel Ramos.

Si Charee ay 22 years old pa lang ngayon.  Bukod sa pag-aartista, sumasabak din sa pulitika ang dalaga.

JAKE, WALANG PANAHON KAY LOVI

PINAGDIINAN ni Jake Cuenca sa contract signing niya sa bagong endorsement assignment, ang My View  TV na ginanap last Friday night sa Fairmont Hotel sa Ayala Center, Makati, na hindi ginaya ang  indie film entry niya sa Sineng Pambansa, ang Lihis, sa current hit ngayong  soap opera ng GMA7, ang My Husband’s Lover. Matagal nang kuwento ang Lihis ni direk Joel Lamangan na nasaksihan ng director noong panahong namumundok pa ito sa panahon ng Martial Law.

Personal account ito ni direk Joel na ikinuwento sa batikang scriptwriter na si Ricky Lee, na  siyang gumawa ng screenplay. Sa tatlong producers nagpasa-pasa para mabuo ang pelikula na pinagbibidahan din nina  Lovi Poe at  Joem Bascon.  Dati’y  role ni Jake ang lalaking rebelde, kung saan may mai—in love sa kanyang bading na rebelde na role sana ni Baron Geisler. 

Nang nagpalit ng casting ang final producer ng Lihis,  ayon sa manager ni Jake na si Neil de Guia, mas ginusto ng aktor ang gay role dahil mas challenging daw ito.  Panibagong atake raw ng pag-arte bilang bading ang gagawin ni Jake sa Lihis.

Bakod sa Lihis, may limang pelikulang natapos at gagawin pa si  Jake, kahit busy pa rin siya sa taping ng Maria Mercedes ng Dos kung saan siya kapartner ni Jessy Mendiola.

Samantala, sinabi ni Jake na hanggang ngayon ay close friends pa rin sila ni Lovi.  Wala nga lang silang panahon na lumabas dahil pareho silang busy.

Pero, pinagdiinan ni Jake na pareho pa rin silang single ni Lovi.

Aksidente lang pala ang pagiging endorser ni Jake ng My View TV. Noong December 2012 ay naghahanap siya ng Christmas Gift para sa kanyang mother. Gusto niyang iregalo ang 32 inches LED TV. Nagustuhan ni Jake ang affordable price ng My View TV. Bukod pa sa quality at specs ng produkto. Ilang buwan nang ginagamit ng mother ni Jake ang TV at walang reklamo ang madir niya. Tapos, bigla na lang siya nakarinig ng personal call mula sa owner ng MyView TV na kinukuha siyang celebrity endorser dahil una raw siyang  celebrity actor na nakabili ng My View.



Showbiz News

Robin vs Drilon

Published : Saturday October 05, 2013   |  Category : Showbiz   |  Views : 830
By : Joey Aquino

CALL it personal vendetta, but actor Robin Padilla sure knows how to use them in a timely manner. Considering nowadays that most marbles in the Senate have turned around after the opening of the alleged misuse of the pork barrel  fund or PDAF; suddenly it’s now the actor’s turn on... Read more

Coco: No romance for me and Shaina

Published : Saturday October 05, 2013   |  Category : Showbiz   |  Views : 797
By : Mario Bautista

COCO Martin has mixed feelings of sadness and joy at the farewell presscon of “Juan de la Cruz” which ends in three weeks after airing for nine months. “Sad kasi mami-miss ko lahat ng kasama ko rito, pati staff and crew, pero happy rin kasi grabe ang pagod namin... Read more

Martin, the 'grill king'

Published : Saturday October 05, 2013   |  Category : Showbiz   |  Views : 455
By : People's Tonight

KAKAIBA ang ginawang “barbeque” presscon ni Martin Nievera kahapon para sa repeat ng kanyang 3D (Tatlong Dekada) anniversary concert na gaganapin pa rin sa Smart Araneta Coliseum sa Nov. 22, 7:30 p.m. Ang concert king mismo ang nagsilbing “grill king” at ipinagluto ng sandamakmak na hamburger ang showbiz press bago... Read more

Bea: Career before marriage

Published : Saturday October 05, 2013   |  Category : Showbiz   |  Views : 691
By : Nel Alejandrino

Bea: Career before marriage

IN love and considered one of the best actresses whose every film makes money at the tills, what more can Bea Alonzo ask for? “Siguro nga, wala na,” sagot niya. “Except, of course, for these blessings na magpatuloy nang sa ganoon, patuloy ko ring mabigyan ng comfort at ligaya... Read more

A beach wedding for Echo and Kim in 2014

Published : Saturday October 05, 2013   |  Category : Showbiz   |  Views : 498

Finally, maipalalabas na rin sa commercial theaters ang highly-acclaimed indie film na Alagwa starring Jericho Rosales at idinirehe ni Ian Lorenos. Ito ang pelikulang tumanggap ng katakut-takot na awards dito at maging sa ibang bansa since last year. So far, ang mga parangal na tinanggap ng pelikula ay outstanding... Read more

Loading Google Custom Search...
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC