Updated on March 30, 2014 | 5:10 PM

Improved surface to air missiles hanap ng DND

Manila (DWDD) —Tinitingnan ngayon ng Department of National Defense (DND) ang posibilidad ng pagbili ng improved at enhanced versions ng Raytheon MIM-23 Hawk (Homing All the Way Killer) surface to air missiles (SAMs).

Ang HAWK ay US medium range SAM.

Inihayag ng DND, ang pagbili ng armas ay layunin na protektahan ang bansa mula sa banta sa kalawakan, ang shore to ship missile (SSM) launchers na balak bilhin para sa Philippine Army sa halagang P6.5 bilyon.

Ang SSM project ay binubuo ng 12 launchers, trailers at tracking system at missiles na maaring paputukin at makatama ng naval o sea targets.

Ito ay isasagawa sa pamamagitan ng “limited source bidding”ang proseso kung saan ang isang kompanya ay iimbitahan para magsumite ng bids para sa proyekto.

May kakayahan ang HAWK na mag-intercept at sumira ng kahit anong kalabang aircraft, drone o rocket na ipapadala para ma-incapacitate o ma-disabled ang SSM system ng Army.

Ito ay inisyal na dinisenyo para sumira ng aircraft at kalaunan ay pinaunlad upang sumira ng ibang missiles flight.

Ang missile ay pumasok sa serbisyo taong 1960 at ang patuloy na upgrades sa programa ang dahilan para maging obsolete ito.

Ang Israel ang isa sa operators ng HAWK missile,kung saan nai-upgrade sa Phase 2 standard na may karagdagang Super Eye electro-optical TV system para madetect ang aircraft na may 30 hanggang 40 kilometro at makilala ito mula 17 hanggang 25 kilometro.

Nagawa din na i-modify ang kanilang sistema para mag-engage sa altitudes pataas hanggang 24,000 metro. (Tonette)

FacebookGoogle+LinkedInPinterestTwitterEmail

Related Posts

Leave a Comment