Marky Cielo reunites with Lovi Poe in "La Lola"

by Ruel J. Mendoza
Oct 6, 2008
"Although hindi pa naman ako nakakapag-taping, I'm looking forward na makatrabaho ulit si Lovi. Nakaka-miss din kasi siyang makasama sa trabaho, e," says Marky Cielo about working woth Lovi Poe (inset) again.

Muling magtatambal ang StarStruck 3 Ultimate Sole Survivor na si Marky Cielo at ang young actress-singer na si Lovi Poe sa bagong primetime show ng GMA-7, La Lola, na pagbibidahan ni Rhian Ramos.

Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Marky sa debut party ni Rhian last Friday, October 3, sa Manila Peninsula. Si Marky ang isa sa bumuo ng 18 Roses ng debutante.

Sinabi ni Marky na excited muli siyang makatrabaho si Lovi. Nagkasama na silang dalawa sa mga GMA-7 shows na Bakekang, Zaido: Pulis Pangkalawakan, at ang huli ay Kaputol ng Isang Awit.

Dahil sa pagpasok ni Marky sa La Lola, pinatay na ang character niya sa Codename: Asero.

"Naipalabas na yung pag-exit ng character ko sa Asero. Kailangan na raw kasing mawala ako doon dahil magsisimula na ang La Lola. Although hindi pa naman ako nakakapag-taping, I'm looking forward na makatrabaho ulit si Lovi. Nakaka-miss din kasi siyang makasama sa trabaho, e," nakangiting saad ni Marky.

Nabalita noon na sinisimulan na raw ligawan ni Marky si Lovi, pero hindi nito itinuloy ang balak niya dahil naramdaman niya na hindi pa handa si Lovi na magpaligaw noon.

"Parang gano'n na nga ang nangyari," sabi ni Marky. "That time naman kasi, talagang gusto lang ni Lovi noon na friends lang kami. ‘Tsaka natorpe rin kasi ako. Parang nahiya rin akong manligaw kay Lovi noon. One year ago naman ‘yon, bago manligaw si Jolo [Revilla] sa kanya.

"Pero okey lang kasi naging good friends naman talaga kami ni Lovi. Up to now naman, okey pa rin kami. Kaya nga natuwa ako na pinagtambal ulit kami for La Lola. Matagal ko rin naman kasing hindi nakakasama si Lovi."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakarating kay Marky ang balitang hiwalay na sina Lovi at Jolo. Pero hindi naman daw niya ite-take advantage ang sitwasyon para subukang ligawan ulit si Lovi.

"May nagsabi nga sa akin about kina Lovi at Jolo. Wala naman akong plano na manligaw agad kasi hindi naman natin alam kung ano ang totoo, di ba? Ang sa akin lang, tama na muna yung magkatrabaho ulit kami ni Lovi. Hanggang doon muna siguro. Trabaho muna kaming dalawa," diin ni Marky.

BACK TO SCHOOL. Sinabi rin ni Marky sa PEP ang plano niyang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Bago siya sumali sa StarStruck, first year college na siya sa kursong Fine Arts sa St. Louis University, Baguio City. Naiinggit nga raw siya sa ibang mga kasamahan niya sa GMA Artist Center na nagpatuloy ng kanilang pag-aaral.

"Nasa plano ko naman talaga yung ituloy ang pag-aaral ko. Pero bigla kasing may pumapasok na trabaho, kaya naiisantabi ko ang mga plans ko for school. Nakakainggit nga yung iba kasi napagsasabay nila ang trabaho at pag-aaral.

"May nag-suggest sa akin na subukan ko ang online courses or home study programs para kahit nasa bahay ako or sa taping, nagagawa ko ang school work. Pero gusto ko kasi yung regular school talaga. Yung may classroom at may mga kaklase ka. Nami-miss ko kasi yung gano'n, e. Masarap kasi yung may interaction ka sa mga classmates mo kesa computer lang ang kaharap mo."

Late na raw kasi kung susubok pa si Marky na kumuha ng college course. Next year na lang daw niya aasikasuhin ang pagpapatuloy ng pag-aaral niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Yun ang goal ko for 2009. Mag-i-inquire na ako sa mga universities kung ano ang mga requirements. Baka kasi may ma-credit sa mga nakuha ko nang subjects before. Kahit na hindi ako mag-full load para hindi rin ako mahirapan.

"Ngayon kasi, basa lang ako nang basa ng mga libro para hindi nababakante ang utak ko. Minsan nagse-surf ako sa Internet para alam ko kung ano ang bago sa buong mundo. Mga basic information at current events para kapag tinanong ako, may alam ako at masasagot ko, di ba?" pagtatapos ni Marky.

Read Next
Read More Stories About
Lovi Poe, Codename: Asero
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Although hindi pa naman ako nakakapag-taping, I'm looking forward na makatrabaho ulit si Lovi. Nakaka-miss din kasi siyang makasama sa trabaho, e," says Marky Cielo about working woth Lovi Poe (inset) again.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results