Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Bamboo, KZ, EZ Mil, Darren, 1MX performers excited na sa London show

Ni: Glen P. Sibonga

Excited na ang 1MX London performers na sina Bamboo, KZ Tandingan, EZ Mil, Darren Espanto, Jon Guelas, Jeremy G, Sab at Angela Ken para sa kanilang show sa 1MX London 2022 na gaganapin ngayong Sabado, October 1 sa Apps Court Farm, Surrey.

Sabik na sila na pasayahin ang mga taga-London lalo na ang mga kababayan nating Pinoy doon dahil matagal din bago ulit nagkaroon ng ganitong kaengrandeng 1MX event simula noong magpandemya.

Bago ang kanilang show ay nagkaroon pa ang grupo ng pagkakataon na bisitahin ang Philippine Embassy sa London para sa isang courtesy call kay Chargé d’affaires Rhenita Rodriguez at mga opisyales ng embahada.

Nakapamasyal din sila sa kalye ng London kung saan mainit silang binati ng mga nakasalubong nilang mga Pilipino roon. (GLEN P. SIBONGA)